Paba Lyrics

by 6cyclemind


VERSE 1
Habol ang tingin, matang nagkukunwaring malambing
Ayos na kaybango, pilit pagandahin para ako'y mapansin
Sabog na pag-iisip, hindi alam ang gagawin
Anong dahilan at hindi ka mapasaakin


CHORUS
Saan ba? Kelan ba?
Ito lang hangad kong gawin
Pano ba? Ano ba?
Wala na bang ibang paraan
 

Nais kong matikman ang yakap mong napakadiin
Ngiting kaysaya, tinatangay ako ng hangin
Naging malapit sa taas sa panalangin na ika'y mapasakin
Wala na bang para sa 'kin


CHORUS
Saan ba? Pwede ba?
Ito lang hangad kong gawin
Pa'no ba? Ano ba?
Wala na bang ibang paraan
Ooh ah


BRIDGE
Pipilitin, aaminin, hindi alam ang gagawin
Lalapitan, sasabihin, hindi alam ang gagawin
Hindi alam ang sasabihin, hindi alam ang gagawin
Hindi alam ang sasabihin, hindi alam ang gagawin

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics