Tunay Lyrics

by 6cyclemind


Umaga na naman kaibigan 
Di mo na kailangan mag-alala 
Kahit ano pa ang kahihinatnan 
Ng balak mo sa buhay mong mapag-alala 


Kahit saang sulok pa ng daigdig 
Kahit humina na ang pandinig 
Hindi maaaring hindi marinig 
Di papayagang ika'y magipit 
Saan mang landas ako'y mahahagip 
Tunay na tunay 


Dumidilim na naman ang kalangitan 
Lumakad ka kaibigan ika'y aking sasabayan 
Magtiwala ka pagkat tayo'y makakarating 
Ang sumusuko lang ang di magwawagi 


Kahit anong layo pa ang marating 
Kahit lumabo pa ang mga tingin 
Hindi maaring hindi matanaw 
Di papayagang ika'y mawala 
Saan mang landas ako'y magiging tapat 
Tunay na tunay 


Hindi maaaring hindi marinig 
Di papayagang ika'y magipit 
Saan mang landas ako'y mahahagip 
Tunay na tunay 
Tunay na tunay 
Tunay na tunay 
Tunay na tunay



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics