VERSE 1
Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang 
Kapalaran ni Dante kung sakali lang 
Na malulong sa pag inom ng ALAK 
Di alam na papunta sa patibong ang tapak. 


Mapapahamak, walang pake. 
Inuman na agad ng hapon hanggang gabe. 
Hanggang abutin ng umaga, nakatulala na 
Walang maalala, parang dumaan sa 
Gubat ang itsura, hininga amoy suka. 
Suka sa sahig at laway sa bibig natuyo na 
Puro alak lang ang madalas kasama 
Bakit nga ba to mali kung malakas ang tama 
Lasing na lasing, nakaaway ang nobya 
Sa gulong ng kapalaran nina vodka 
Naiwan na wala man lang na halik at yakap 
Di alam ang gagawin kundi balik sa alak 
Hanggang sa isang gabi, natagpuan 
Galing sa inuman at nag lalakad sa ulan 
Nakapikit at walang imik pauwi na 
Ng bigla na lamang nakarinig ng busina 
May kotse na biglang pabangga na sa kanya 
Di napansin nasa gitna ng kalsada pala sya 
Hindi na nagawang, umiwas sapagkat 
Namalayan lang ni Dante nung huli na ang lahat. 


CHORUS
Ang bawat kilos may kahihinatnan 
Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan. 
Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan 
Kung hawak mo naman ang palad mo 
Ano naman kailangan mo sa Bolang Kristal. 


VERSE 2
Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang 
Kapalaran ni Dante kung sakali lang 
Na malulong at maakit sa DROGA 
Na ipinagbabawal na adik ng sobra. 


Nag simula sa alok ng kaibigan 
Napatikim at ng sabog, nakangiti lang. 
Nakahiligan dating pangangapa lang 
Ang laging pang-aliw naging pangangailangan. 
Ano pa nga ba? Wala ngang namimilit 
Kailangan ng tama, para sa tamang pag iisip 
Para matahimik, para makahirit 
Parang nabubuhay sa magandang panaginip 
Hanggang sa naging bula ang pera. 
Nawala na lang kaya nagsimula magbenta. 
Naging taga tulak ng mga tampalasan, 
Desisyon na wala ng atrasan. 
Isang gabi, na nagkabilangan. 
Na ka-tropa nya sa droga na walang iwanan 
Nakatulog, at magising ay naisahan 
Wala ng droga at pera at ang napagbintangan 
Ay sya lang, nalaman at nagalit ang amo 
Sapagkat, walang natira na kahit na magkano 
Di masukat ang bigat ng pighating nadama 
Nasisante si Dante at binaril sa panga. 


CHORUS
Ang bawat kilos may kahihinatnan 
Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan. 
Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan 
Kung hawak mo naman ang palad mo 
Ano naman ang kailangan mo sa Bolang Kristal. 


VERSE 3
Bolang Kristal ipakita mo sa akin ang 
Kapalaran ni Dante kung sakali lang 
Na malulong ng masyado sa SUGAL 
Bakit nga naman makikipag-talo pa tutal. 


Naglalaro at kumikita. Imposible ba? 
Dito mabilis ang kita tipong triple pa. 
Larong baraha, sabong, jueteng at karera 
Pag swerte aba syempre pwedeng magkapera 
Isang araw, pumasok mag-isa sa casino 
Tinaya ang natitirang limang daang piso 
Paraiso, na naging isang daang libo 
Mula noon halos nanirahan na dito 
Ng biglang bumaliktad ang ngiti sa mga labi 
Ubos ang salapi at hindi na makabawi 
Pero sabi sabi lang madali tong bawian 
Bumawi sa casino, Kasinungalingan! 
Umutang pa ng pang gasta sa maton 
Puro pusta panay patalo hanggang sa mabaon 
Parang nahigop ang lahat ng malakas na buhawi 
Isang gabi nasa bubong na mataas na gusali 
Madalas ang ugali palabag kapag gipit 
Pero sa ngayon naka-tanga at naka-pikit 
Kawawang Dante tapak sa gilid sabay hakbang 
Sa dami ng problema, nagpakamatay na lang. 


CHORUS
Ang bawat kilos may kahihinatnan 
Sikapin mo bago sapitin ang napiling daan. 
Minsan, sarili din ang pinagdidiktahan 
Kung hawak mo naman ang palad mo 
Ano naman ang kailangan mo sa Bolang Kristal. 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics