ABRA:
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak utakbo!
Sige bilisan mo pa ha hanggang sa madapaka kasi ang kupad kupad mo
Takbo para di ka maabutan, kinikilabutan, kinatatakutan mo
Kapag nahuli ka patay kang bata ka na para bang nakunan sa sinapupunan uh


Isa dalawa tatlo kilala bilang mga sira ulo
Halata ang inakala ng iba
Na hindi makapangyarihan ang mga ginayuma ko


Bagsak ang mga talukap ng mga matang
Sana alam ng mga talangkang walang alam at dala-dala ang tatak ng maganda ka
Ng pababa ng pababa lang hanggang sa dalawa na agad


Puro mga inggitero na bagot, oo mga feelingero na yamot
Pano niyo ko hihilahin sa balong malilim e hindi niyo nga ko maabot
Bratatatatatarat pak o di ba nakakatakot?


Pag dating niyo matatakasan na ang boses ng kabataan
Kapag solid na ang mga pasabog
Sino ba yan? sinubaybayan at sinabayan nanaman ng buong sambayanan
Kahit gago,makabago makatao at makatarungan eto na si abra tantananan.


Di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedistal at gumawa ng himala
Binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag-isip miski maliit
Ang dami paring mga tumitingala braaaa!


LOONIE:
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
Pwede mo itong ihalintulad sa isang higanting pintuang di mo maitulak
Tignan mo itsura, di mo masikmura parang ginawa mong inumin ang suka
Wag kang umasa na mangyari magka-chansa ka sakin, kasi distansya natin
Bituwin at lupa


Libu-libong sinagupa binaon parang basura pinipicturan ko muna
Bago ilibing sa lupa primitimong lirisismo pipilitin kong pihitin
Kung tingin mong kiliti mong imposible kong makuha pilipinong sining
At literaturang hinaluan ng mga bara na parang hinugmipiko ang sulat
Ang mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipo-ipo pag hindi ko naisuka


Pag ako nagalit, papaupuin kita sa dala ko na karet
Ako si kamatayan bumaba mula sa langit
Alam mo ba kung bakit? para sindihan ka nang buhay
Hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit
Pag parang kambing na yung amoy papatayin ko yung apoy palakol ang gamit


Sige pumasok kapa sa loob ng aking utak
Hinulma ng usok, puyat, Kuya Kiko at ni Tupac
Susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan
Upang makita nila lampas bente ang taas
Maaring makapasok kaso nga lang pag pintua'y nagsarado siguradong
Di na pwedeng lumabas


RON HENLEY:
Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
Para kang umakyat ng banahaw at naligaw sa gitna ng gubat
Di mo maintindihan parang dikit dikit na sulat ng doktor
Mga kabit-kabit na letter parang tren pinanakbo pa rin
Kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor


Hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva
Pag tinamaan nang lintik siguradong may baong matataas na along
Kayang lumamon ng isla


Salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko
Uso ata ang utak at uso pa bato panahong paleolitiko
Masdan mo ang sugat sa likod ng larawang ng mga multong di na nagparamdam
Dati'y binabahayan ng pula ngayon nama'y binabawi na ng mga itim na langgam


Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa bala ng shaman
Nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag
Na dapat lakaran pag daan ko mga aso kumahol
Yung iba naglabas ng pala, piko, asarol


Sinubukan nilang hukayin ang lalim ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang
Sariling ataol
Tanggalin niyo na muna ang mga muta sa mata na nakabara hala sige maghilamos
Nang makita niyo na mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos.



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics