Kapangyarihan Ng Pag-Ibig Lyrics

by Aicelle Santos


atras abante hindi ko maintindihan
minsan kampante bigla nalang mawiwindang
paulit-ulit lang buong maghapon para lang naka kahon
pawang nagtapon naubos lang ang panahon
at ng tinawag mo
inawat mo ang ikot ng mundo
niyakap mo't binago ang pulso
hindi mapipigilan ng daluyong
hindi mababagabag ng dagundong
sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal
siyang nararapat sa puso kong napapagal
lahat ay kakayanin kong daanan
kayang kayang lampasan
walang hangganan ngayon at magpa kailan man
pagkat tinawag mo inawat mo ang ikot ng mundo
niyakap mo't binago ang pulso
hindi matatawaran ang pangarap
hindi mababawasan ang lagablab
sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
di ko kaya pag wala ka wag na
sa piling mo ay may pag-asa
sa piling mo walang iba
hindi mapipigilan ng daluyong
hindi mababagabag ng dagundong
sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
hindi matatawaran ang pangarap
hindi mababawasan ang lagablab
sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo
sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal

 



Genres & Moods
Advertisement

Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics