Pakisabi Na Lang Lyrics

by Aiza Seguerra


Nais kong malaman niyang nagmamahal ako
'Yan lang ang nag-iisang pangarap ko
Gusto ko mang sabihin, 'di ko kayang simulan
'Pag nagkita kayo, pakisabi na lang


CHORUS
Pakisabi na lang na mahal ko siya
'Di na baleng may mahal siyang iba
Pakisabi wag siyang mag-alala, di ako umaasa
Alam kong ito'y malabo, di ko na mababago
Gano'n pa man pakisabi na lang


Sana ay malaman niya masaya na rin ako
Kahit na nasasaktan ang puso ko (kahit na nasasaktan ako)
Wala na 'kong maisip na mas madali pang paraan
'Pag nagkita kayo pakisabi na lang


CHORUS
Pakisabi na lang na mahal ko siya
'Di na baleng may mahal siyang iba
Pakisabi wag siyang mag-alala, di ako umaasa
Alam kong ito'y malabo, di ko na mababago
Gano'n pa man pakisabi na lang


Pakisabi na lang (Pakisabi na lang)
Umiibig ako (Lagi siyang naririto sa puso ko)
Pakisabi na lang (Pwede ba)


CHORUS
Pakisabi na lang na mahal ko siya
'Di na baleng may mahal siyang iba
Pakisabi wag siyang mag-alala, di ako umaasa
Alam kong ito'y malabo, di ko na mababago
Gano'n pa man pakisabi na lang


(Pakisabi na lang na mahal ko siya)
'Di na baleng may mahal siyang iba



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics