Hesus Lyrics

by Alamid


(I:)
Kung nag-iisa at nalulumbay
Dahil sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo ng karamay
Tumawag ka at Siya'y naghihintay


(II:)
Siya ang 'yong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
At karamay kung sawi
Siya ay si Hesus
Sa bawat sandali


(III:)
Kung ang buhay mo
Ay walang sigla
Laging takot at laging alala
Tanging kay Hesus maka-aasa
Kaligtasa'y lubos na ligaya


(IV:)
Siya ang dapat tanggapin
At kilanlin sa buhay mo
Siya noon bukas, ngayon
Sa dalangin mo'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon


Siya ang dapat tanggapin
At kilanlin sa buhay mo
Siya noon bukas, ngayon
Sa dalangin mo'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon


Kaya't ang lagi mong pakatandaan
Siya lang ang may pag-ibig na tunay
Pag-ibig na tunay


Siya ang dapat tanggapin
At kilanlin sa buhay mo
Siya noon bukas, ngayon
Sa dalangin mo'y tugon


Siya ay si Hesus
Siya ay si Hesus
Siya ay si Hesus sa habang panahon