Pagdating Lyrics

by Alamid


Nang minsan ako ay kumatok sa iyong puso
Pinid na pintuan ng iyong damdamin aki'y sinubok
Ngunit ako'y di alintana
Sa puso mo'y walang paglinga


Bakit di mo man lang makita
Ang pagsibol ng isang umaga
Nandito pa rin ang puso kong umaasa


(CHORUS:)
Nakalimutan ko nang umibig 
Sa bangungot ako'y nahimbing
Ngunit sa iyong pagdating
Ako ay muling nagising


Ang aking puso'y napagod sa pagsuyo
Hanggang kailan pa ba
Na ako'y maghihintay 
Sa pagdating ng iyong biyaya
Upang ako ay lumigaya


Tila bawal ang damdamin
Ang isang tulad mo para sa akin
Ilang beses na ba nangyari
Ito sa aking buhay


Nakalimutan ko nang umibig 
Sa bangungot ako'y nahimbing
Ngunit sa iyong pagdating
Ako ay muling nagising


(REFRAIN:)
Nagkakulay muli ang paligid
Init ng araw muling dumampi
Dahil sa iyong pagdating
Gabi ay muling lumamig


Nakalimutan ko nang umibig 
Sa bangungot ako'y nahimbing
Ngunit sa iyong pagdating
Ako ay muling nagising


Nagkakulay muli ang paligid
Init ng araw muling dumampi
Dahil sa iyong pagdating
Gabi ay muling lumamig