Stranded
Nakilala ko siya sa pila sa airport
Naiwan kami ng eroplano
Labimpitong oras ko siyang kasama
Naghintay kaming mag-abang hanggang umaga
CHORUS:
Stranded sa airport.
Stranded sa airport.
Ayaw ko pang umuwi.
Ayaw ko pang umuwi.
Maubos na ang mga tao,
huwag lang ang kwento.
Lumipad ang bawat minuto
Sabik na siyang umuwi, ako huindi pa.
Nais pang makapiling
Kungpwede lang sana.
(repeat first two lines of chorus)
(INSTRUMENTAL)
Stranded sa airport.
Stranded sa airport.
Stranded sa airport.
Stranded sa airport.
Stranded sa airport.
Stranded sa airport.
Ayaw ko pang umuwi.
Dahil di tayo magkikitang muli.
Putik
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Pumasok sa pinto ng hindi inimbita (putik)
Nilamon ang lamesa, tv, radyo at sofa (putik)
Alaala sa mga larawan (putik)
Naglaho nang hindi nagpapaalam (putik)
Umakyat sa hagdan at sinakop ang silid (putik)
Kinain ang kama, tukador, cabinet, sahig (putik)
Naubos ang mga sapatos at damit (putik)
Libro, computer, cd, gitarang hindi maipagpapalit
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh
Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh
Sa labas rumaragasang ilog ang kalsada (putik)
Inanod ang palengke at lahat ng paninda (putik)
Nagpatong-patong truck, jeepney at kotse (putik)
Buong bayan nagkulay tsokolate (putik)
Pagpalain ang mga nakaisip mangsagip
Inalay ang sarili at lumusong sa panganib
Buti na lang naiakyat si lola
Ngunit di kasing palad ang kapitbahay niya
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Sa ibabaw ng bubong
Nakita kong nagunaw ang mundo
Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh
Oh ooohh oh ooohh oh ooohh oh ooohh
Nagunaw ang mundo
Pera Pera
Gusto kong yumaman na tulad ni kuya,
Bibili maraming kotse para lumigaya
Tatayo ako ng magagarang bahay
Sa Dasman La Vista at tagaytay
Pera pera wow ang daming pera
Pera pera lahat ay pumipila
Pera pera wow and daming pera
Lahat sumasamba ang daming umaasa
asa ka pa
Gusto kong yumaman na tulad ni ate
Mamamasyal sa London, Italy, at japan
Bibili ako ng mga mamahaling alahas
Diamante at ginto makikinang na perlas
Pera pera wow ang daming pera
Pera pera lahat ay pumipila
Pera pera wow and daming pera
Lahat sumasamba ang daming umaasa
asa ka pa
Gusto kong sumikat at maging artista
may game show sa Tv at sine sa takilya
Ako’y kakandidato sa politika
Magiging Senador para maka iskor ng sobrang daming
Pera pera wow ang daming pera
Pera pera lahat ay pumipila
Pera pera wow and daming pera
Lahat sumasamba ang daming umaasa
asa ka pa
Pera pera
Pera pera
Pera pera wow
Pera pera
Pera pera
Pera pera
lahat sumasamba ang daming umaasa
Lakad
Paglumakad ka sa init
Magdala ng sumbrero
Para di mainitan
Ang iyong bumbunan
Paglumakad sa ulan
Magdala ka ng kapote
O kaya'y pulang payong
Para di ka sipunin
Maglakad sa araw
Maglakad sa buwan
Tipid sa pamasahe
Pampatibay ng katawan
Tu,tri,por
Paglumakad sa baha
Magsuot ng bota
Para manatiling tuyo
Ang mga paa
Paglumakad sa dilim
Magbaon ng flashlight
Para di ka maligaw
At lamunin ng mamaw
Paglumakad ka sa putik
Magbaon ng pampalit
Siguradong tatalsik
Malapot at malagkit
Paglumakad ka sa gubat
Magdala ng itak
Panghawi sa daan
Tabi tabi po diyan