Bagong Araw
Mula no’ng simula
Iyong hinabol ang tala
Sa talas man ng paningin
Ito ay kusang nawala
Hinanap nang husto
Handang ikutin ang mundo
Tinahak ang bawat daan
Handang ibuhos ang dugo
Pagod na nga’t may sugat ang ‘yong puso
Ngunit patuloy pa rin itong pag-ikot ng mundo
Oh, sa bawat oras na gumagalaw
Oh, malayo na ang ‘yong matatanaw
Oh, sa yong mga tungkod ay bumitaw
At umakap sa liwanag nitong bagong araw
Bakas sa ‘yong mukha
Ang mga guhit ng luha
Inukit na ng panahon
Nadarama hanggang ngayon
Tanging sa iyo
Nakasalalay nang husto
Ang bukas mong dumarating
Sadyang hindi mahihinto
Tapos na ang dilim ng ‘yong kahapon
Buksan mo lang ang isip mo sa buhay mo ngayon
Oh, sa bawat oras na gumagalaw
Oh, malayo na ang ‘yong matatanaw
Oh, sa yong mga tungkod ay bumitaw
At umakap sa liwanag nitong bagong araw
Sundan mo lang ang puso mo
Kung sa’n ka man dalhin, hanapin mo ang totoo
Ang langit mo’y naghihintay sa ‘yo
Oh, sa bawat oras na gumagalaw
Oh, malayo na ang ‘yong matatanaw
Oh, sa yong mga tungkod ay bumitaw
At umakap sa liwanag nitong bagong araw
(Oh, sa bawat oras na gumagalaw) Nitong bagong araw
(Oh, malayo na ang ‘yong matatanaw) Nitong bagong araw
(Oh, sa ‘yong mga tungkod ay bumitaw) Sa ‘yong bagong araw
(Oh, sa bawat oras na gumagalaw)
(Oh, malayo na ang ‘yong matatanaw)
(Oh, sa ‘yong mga tungkod ay bumitaw)
(Oh, sa bawat oras na gumagalaw)
(Oh, malayo na ang ‘yong matatanaw)
(Oh, sa ‘yong mga tungkod ay bumitaw)
Umaga Na
Sa pagsapit ng umaga
Sa paglipas ng gabi
Ay tuluyan nang sisikat
Ang araw mong minimithi
Dadalawin ka ng ilaw
Hahatiin ang dilim
Liliwanag ang paligid
Paalam na, takipsilim
Sa iyong pag-idlip
Ikaw ay gumising
Umaga na sa buhay mo
Ang oras ay tumatakbo
Pag-asa ay tumatawag sa iyo
Umaga na, batiin mo
Ang araw ng pagmulat mo
Liwanag ay naghihintay sa ‘yo
Bakit ‘di ka pa bumangon
Ang dami ng ‘yong gagawin
Baka ika’y mapag-iwanan
At sa huli ay magsisi
Sa iyong pag-idlip
Ikaw ay gumising
Umaga na sa buhay mo
Ang oras ay tumatakbo
Pag-asa ay tumatawag sa iyo
Umaga na, batiin mo
Bagong buhay ay dumarating
Bagong buhay na iyong maaangkin
Umaga na sa buhay mo
Ang oras ay tumatakbo
Pag-asa ay tumatawag sa iyo
Umaga na, batiin mo
Umaga na (umaga na)
Umaga na (umaga na)
Umaga na (umaga na)
Umaga na (umaga na)
Tibay
Buhay ay talagang ganyan
Kung minsan, ika’y paglalaruan
At tuwina’y ‘di mo matatanaw
Ang sikat ng iyong araw
Huwag mangangamba, hetong aking kamay
Tanganan mo sa oras ng lumbay
Ako’y narito, nag-aabang
Sa akin ay walang hahadlang
Tibay ang kailangan mo
Tibay sa iyong puso
Tibay ang pag-asa mo
Bukas ay isa pang araw
Umaga mo’y aking natatanaw
Kayat huwag isiping huli nang lahat
Kahit mundo pa’y tila kay bigay
Tibay ang kailangan mo
Tibay sa iyong puso
Tibay ang pag-asa mo
At kung ang langit ay mahulog sa iyo
Laging isipin na ang buhay ay ginto
Alay sa ‘yo, para sa ‘yo
Tibay ang kailangan mo
Tibay sa iyong puso
Tibay ang pag-asa mo
Karimlan
Umaawit ang puso kong tumakas sa karimlan
Kung paano ay di ko pa natutuklasan
Basta't minalas kong sumikat ang aking tinig
Ngayon ako'y di matahimik
Sumasabog sa init ang ligaya ng liwanag
At hatid nito sa ki'y walang humpay na sigla't saya
Kung ang kaluluwa'y pinalaya na at binigyan ng sariling kusa
Ako ngayo'y malaya na
Hoh hoh
Hoh hoh
Hahanapin ko kung saan ako dapat naroroon
Hahanapin ko kung saan ako dapat naroroon
Tumitibay ang pag-asang ako ay mananatili
Inaakit ng ganda't tamis na taglay ng yong himig
Kung patuloy pa rin na ako'y aawit at maging anak ng sining
Di ako magsisisi
Hoh hoh
Hoh hoh
Hahanapin ko (hahanapin ko)
Hahanapin ko (hahanapin ko)
Langit
Tayo ay iisa
Kahit pa magkawalay
Malayo ma’y malapit rin sa puso ko
Ang alaala mo’y buhay
At kahit pa tayo’y ‘di magkapiling
Pagtangi ko sa ‘yo’y umaalab pa rin
Tayo’y magsasanib, nabalot sa bituin
Iikutan ng buwan sa lalim ng gabi
At pagdating ng araw, tayo ay lalapit
Sa langit, sa langit
Mmm
At t’wing ako’y nangangamba (’wag ka nang mangangamba)
Tinig mo ang aking tibay (ako’y maghihintay sa ‘yo)
Dito sa lupang aking pinaglagyan (hanggang sa dulo ng mundo)
Ikaw ang aking pag-asa}
Kaya’t sa paglubog ng bawat araw
Sa pagdilim, liwanag ko’y ikaw
Tayo’y magsasanib, nabalot sa bituin
Iikutan ng buwan sa lalim ng gabi
At pagdating ng araw, tayo ay lalapit
Sa langit, sa langit
Oh woh hah hah
Oh ohh hah
Tayo’y magsasanib, nabalot sa bituin
Iikutan ng buwan sa lalim ng gabi
At pagdating ng araw, tayo ay lalapit
Sa langit, sa langit
Ooh
Panimula/Ikaw
Himig ng araw
Alay sa ‘yo
Habi ng buhay
Ay tangan-tangan mo
Mmm mmm
Kung kinakailangan ng buhay ay unti-unti mong baguhin
Ba’t ‘di mo simulan habang ikaw ay may oras pa
Upang kumilos, kumilos
Walang inaasahan kundi ikaw, ikaw lamang
Ikaw ang huhubog sa hiwaga ng buhay mo
Ang magsisikap para paikutin ang iyong mundo
Ang kukulay sa puti’t itim ng ‘yong puso
Kung hinahawakan mo ang pagsibol ng iyong tadhana, mabuti
Makakasiguro kang ang biyaya ay iyong makakamtan
Sa pagsisikap ay may sikat
Walang magsisimula kundi ikaw, ikaw lamang
Ikaw ang huhubog sa hiwaga ng buhay mo
Ang magsisikap para paikutin ang iyong mundo
Ang kukulay sa puti’t itim ng ‘yong puso
Ikaw
Darating din ang araw na ang bawat ngiti, makakamtan mo
Simulan sa iyong buhay nang ang lahat ng kulay ay magliwanag sa iyo
Ikaw ang huhubog sa hiwaga ng buhay mo
Ang magsisikap para paikutin ang iyong mundo
Ang kukulay sa puti’t itim ng ‘yong puso
Walang Hanggan
Aanhin ko pa ang lahat ng bukas
Na darating sa buhay ko
Kung hindi ikaw ang makakasama
Sa pag-ikot ng mundo
Mawawalan ng saysay ang bawat bukas
Kung pagsuyo’y magwawakas
Walang hanggan, ako’y sa ‘yo
Maging ang buhay kong ito
Sa ‘yo lamang ilalaan
Walang hanggan
Aanhin ko pa ang lahat ng yaman
Na dadaan sa palad ko
Kung hindi ikaw ang makakahati
Sa bawat makakamtan ko
Dinggin mo ang aking pagsamo
Narito ako’y nangangako
Walang hanggan, ako’y sa ‘yo
Maging ang buhay kong ito
Sa ‘yo lamang ilalaan
Walang hanggan
Bawat bukas (bawat bukas) ng aking buhay (ng aking buhay)
Ay ibibigay sa ‘yo (ibibigay sa ‘yo)
Bawa’t oras (bawat oras) ng bawa’t araw (ng bawat araw)
Bawat ikot ng mundo (ng mundo)
Walang hanggan, ako’y sa ‘yo
Maging ang buhay kong ito
Sa ‘yo lamang ilalaan
Walang hanggan
Walang hanggan, ako’y sa ‘yo
Maging ang buhay kong ito
Sa ‘yo lamang ilalaan
Walang hanggan (walang hanggan)
Walang hanggan (walang hanggan)
Walang hanggan (walang hanggan)
Panahon
Ang buhay ng isang tao ay ‘di nagtatagal
Pilitin man ng panaho’y hindi bumabagal
At kahit pa ano’ng gawin, puso’y tumatanda
Kaya’t hanggang maaga pa’y tanggapin mo na
Ikaw ang magsasabi kung saan ka pupunta
Sana ngayon pa lamang ay isipin mo na
(Panahon)
Panahon
(Panahon)
Panahon
Araw ay magdaraan sa ‘ting mga buhay
Tulad ng buhangin, lulusot sa ‘yong mga kamay
Hawakan mang mabuti, ang agos ay tutuloy
Tulad ng dugo, ito ay dadaloy
Kaya’t ‘wag sasayangin ang iyong tinataglay
Tanganan mong mabuti ang takbo ng ‘yong buhay
(Panahon)
Panahon
(Panahon)
Panahon
Hindi mababalik ang kahapon
At ang buhay ay ‘di pang-habang-panahon
Ang buhay ng isang tao ay ‘di nagtatagal
Pilitin man ng panaho’y hindi bumabagal
At kahit pa ano’ng gawin, puso’y tumatanda
Kaya’t hanggang maaga pa’y tanggapin mo na
(Panahon)
Panahon
(Panahon)
Panahon
(Panahon)
Panahon
(Panahon)
Panahon
Oyayi
Awitan mo ako ng awit mong puno ng iyong kalinga, mmm
Isama mo ako, malayo man ang ating lakbayin
Sa ‘yo lamang ako mahihimbing
La la la…
Awitan mo ako ng awit mong puno ng ‘yong kalinga, mmm
Isama mo ako, malayo man ang ating lakbayin
Sa ‘yo lamang ako nahihimbing, mmm
La la la…
Pangarap ko ang tinig mong naglalambing sa akin
Sana ay kapiling ka sa haba ng buhay
La la la…
Pangarap ko ang tinig mong naglalambing sa akin
Sana ay kapiling ka sa haba ng buhay
Pangarap ko ang tinig mong naglalambing sa akin
Sana ay kapiling ka sa haba ng buhay
Awitan mo ako ng awit mong puno ng iyong kalinga, mmm
Isama mo ako, malayo man ang ating lakbayin
Sa ‘yo lamang ako nahihimbing, mmm
La la la…
Paano Na Ang Buhay Mo Ngayon
Hoy, kaibigan
Saan ka ba magpupunta ngayong ikay malaya na
Sa bilibid ng Bicutan
Walong taon din ang lumipas at ikaw ay lolo na
Paano na ang buhay mo ngayon
Paano na ang buhay mo ngayon
Hoy, kaibigan
Pinilit ka nilang ipasok pagkat ikaw ang adik na
Hayan nga, ikay nasa basement
Sa ospital ng mayayaman at nakagapos ang kamay
Paano na ang buhay mo ngayon
Paano na ang buhay mo ngayon
Hoy, kaibigan
Umasa ka lang sa yong magulang, palamunin ka ngang tunay
Di nagtrabaho at di naglaho
Na-dedbol si ermat at erpat mo, walang naiwan na mana
Paano na ang buhay mo ngayon
Paano na ang buhay mo ngayon
Hoy
[Natawa ako, pare, eh, natawa ako]
Sundan, sundan
Sundan, sundan ang piniling daanan
Tingnan, tingnan ang paroroonan
Ikaw ang nagpasiya, iniwanan ng iba
Maparinig mo lang ang awit mong dala
Sundan, Sundan ang piniling daanan
Tingnan, tingnan ang paroroonan
Ikaw ang nagpasiya, iniwanan ng iba
Maparinig mo lang ang Awit mong dala
Masdan, masdan ang dami ng kulay
Hagkan, hagkan ang alay ng buhay
Ako'y katulad mo, hinahanap ang dulo
Hanggang makilala ko itong sarili ko
Masdan, masdan ang dami ng Kulay
Hagkan, hagkan ang alay ng Buhay
Ako'y katulad mo, hinahanap ang dulo
Hanggang makilala ko itong sarili ko
Hindi mababalikan
Ito'y sadyang magdaraan
Isang saglit sa buhay mo
Ngayo'y nakaraan
Namana agad
Hindi mababalikan
Ito'y sadyang magdaraan
Isang saglit sa Buhay mo
Ngayo'y nakaraan
Namana agad
Sundan, sundan ang piniling daanan
Tingnan, tingnan ang paroroonan
Sa huling yugto, ikaw ang maging sugo
Ipaalam mo lang nagbago na'ng mundo
Sundan, Sundan ang piniling daanan
Tingnan, tingnan ang paroroonan
Sa Huling yugto, ikaw ang Maging sugo
Ipaalam mo lang nagbago na'ng mundo