Ang Pasko
(CHORUS:)
La la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la
la la la la-ah
La la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la
la la la la
Ang pasko sa tuwing sasapit
Sa lunsod man o sa bukid
Ang mundo ay umaawit
Sa pagsilang ng Diyos ng pag-ibig
Sa pagsilang ng Diyos ng pag-ibig
La la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la
la la la la-ah
Ang diwa ng pasko sa madla
Magbigayan tayog lagi maging dukha o mariwasa
Dahil sa ang Haring Dakila
Ng langit at lupa nagpakababa
Langit at lupa nagpakababa
La la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la
la la la la-ah
Sa landas ng ating buhay
Ang pasko ang tanging tanglaw
Sa munting sabsaban lamang
Ang haring sanggol ay isinilang
Ang haring sanggol ay isinilang
La la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la
la la la la-ah
Ang pasko ay tanging araw
Tayo'y dapat magbigayan bawat isa ay mag banal
Sa langit ating makakamtan
Ang kaluwalhatian na walanghanggan
Ang kaluwalhatian na walanghanggan
La la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la
la la la la-ah
La la la la la la la
La la la la la la la
La la la la la la la
la la la la-ah
Himig Ng Pasko
Malamig ang simoy ng hangin
Kay saya ng bawa't damdamin
Ang tibok ng puso sa dibdib
Para bang hulog ng langit
Himig ng Pasko'y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lugod sa kasayahan
Himig ng Pasko'y umiiral
Sa loob ng bawat ng tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin
Himig ng Pasko'y laganap
Mayroong sigla ang lahat
Wala ang kalungkutan
Lugod sa kasayahan
Himig ng Pasko'y umiiral
Sa loob ng bawat ng tahanan
Masaya ang mga tanawin
May awit ang simoy ng hangin
Panahon Ng Pag-Ibig
(CHORUS I:)
Sa panahon ng pag-ibig ang tanging nais ko
Maibigay sa bawat tao
Iisang pangarap na mula sa puso
Kapayapaan sa buong mundo
Sa panahon ng pag-ibig ang tanging nais ko
Maibigay sa bawat tao
Iisang pangarap na mula sa puso
Kapayapaan sa buong mundo
Sa panahon ng pag-ibig ang tanging nais ko
Maibigay sa bawat tao
Iisang pangarap na mula sa puso
Kapayapaan sa buong mundo
Tama na ang away, tama na
Tama na ang bintang sa bawat isa
Kalimutan ang galit buksan ang puso
Tanggapin ng pagmamahal
Sa panahon ng pag-ibig ang tanging nais ko
Maibigay sa bawat tao
Iisang pangarap na mula sa puso
Kapayapaan sa buong mundo
Sa panahon ng pag-ibig ang tanging nais ko
Maibigay sa bawat tao
Iisang pangarap na mula sa puso
Kapayapaan sa buong mundo
Tama na ang sama ng loob
Lumapit at akapin ang iyong irog
Kalimutan ang galit buksan ang puso
Tanggapin ng pagmamahal
Sa panahon ng pag-ibig ang tanging nais ko
Maibigay sa bawat tao
Iisang pangarap na mula sa puso
Kapayapaan sa buong mundo
Sa panahon ng pag-ibig ang tanging nais ko
Maibigay sa bawat tao
Iisang pangarap na mula sa puso
Kapayapaan sa buong mundo
Tama na ang wala kang paki
Ang ginagawa mo ay pagtitimpi
Kalimutan ang galit buksan ang puso
Tanggapin ng pagmamahal
Tama na ang paghihiganti
Sa hinanakit mo'y ikaw ang lugi
Kalimutan ang galit buksan ang puso
Tanggapin ng pagmamahal
(CHORUS 2:)
Sa panahon ng pasko ang nais ng mundo
Makatanggap ng isang regalo
Iisang pangarap na mula sa lahat
Kapayapaan sa bawat tao
Sa panahon ng pasko ang nais ng mundo
Makatanggap ng isang regalo
Iisang pangarap na mula sa lahat
Kapayapaan sa bawat tao
Sa panahon ng pasko ang nais ng mundo
Makatanggap ng isang regalo
Iisang pangarap na mula sa lahat
Kapayapaan sa bawat tao
Pasko Na Sa Mundo
(CHORUS:)
Pasko na, Pasko na, Pasko na sa mundo
Pasko na, Pasko na, Pasko na mahal ko
Pasko na, Pasko na, Pasko na pare ko
Pasko na, Pasko na, Pasko na-ha magbigayan tayo!
May regalong laruan, may regalong damit
May regalong may silbi, may regalong walang gamit
May regalong pagkain, may regalong maliit
Lahat tayo'y may regalo wag ka nang maiinip
Pasko na, Pasko na, Pasko na sa mundo
Pasko na, Pasko na, Pasko na mahal ko
Pasko na, Pasko na, Pasko na pare ko
Pasko na, Pasko na, Pasko na-ha magbigayan tayo!
May dala akong puto, mayroon ding dinuguan
May dala akong biskit, may baon na sulsuman
May dala akong serbesa, pwede nang mag-inuman
Wag ka nang mahihiya pagkain ay simulan
Pasko na, Pasko na, Pasko na sa mundo
Pasko na, Pasko na, Pasko na mahal ko
Pasko na, Pasko na, Pasko na pare ko
Pasko na, Pasko na, Pasko na-ha magbigayan tayo!
Nagmano na kay itay, inakap na si nanay
Kamustahang kapatid, ang iyakan ay tunay
Masarap ang samahan, kalimutan ang away
Laganap ang kasiyahan ng pasko'y habang buhay
Pasko na, Pasko na, Pasko na sa mundo
Pasko na, Pasko na, Pasko na mahal ko
Pasko na, Pasko na, Pasko na pare ko
Pasko na, Pasko na, Pasko na-ha magbigayan tayo!
Merong silent night, merong holy night
Merong jingle bells, pamaskong delight
May nagbobolahan, may naghuhulaan
Kung anong nilalaman ng regalong bubuksan
Merong palitan, may nakalimutan
Tama na yan!
Baket?
Sa susunod na taon na lang!
Pasko Na Sinta Ko / Miss Kita Kung Christmas
Pasko na, Sinta ko
Hanap-hanap kita
Bakit nagtatampo
Nilisan ako
Kung mawawala ka
Sa piling ko sinta
Paano na ang paskong
Inulila mo
Sayang, sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak
Ang Disyembre ko ay malungkot
Pagkat miss kita
Ano mang pilit kong magsaya
Miss kita kung Christmas
Pasko'y sasapit 'di ko mapigil
Ang mangulila
Hirap niyan mayro'n ka ng iba.
Kahit nasaan ako
Papaling-paling ng tingin
Walang katulad mo
Ang nakapagtataka'y maraming
Nakahihigit sa 'yo
Kung mawawala ka (hahanap-hanapin ka)
Sa piling ko sinta
(nasasaktan ako, ewan ko ba ngayon kung)
Paano na ako miss kita, o giliw
Pasko'y sasapit 'di ko mapigil
Ang mangulila
Paano na ang pagmamahalang tunay
Tunay
Sayang sinta ang sinumpaan
Pasumpa-sumpa ka pa
Pagtitinginan, pagsusuyuan at galak
Kung mawawala ka
Sa aking piling sinta
Pa'no na ang pasko
Alay ko sa 'yo
hooo...
Paano na ang paskong
Alay ko sa 'yo
Paskong Walang Pera
Abente kwantro na ng disembre
Wala pa kong rigalo
Ubos ang pera
Butas ang bulsa papano na ito
Nalibot na ang bawat mall
And shopping center
Walang makita pwedeng
Mahingi na libre
Minamahal ko pagbigyan sana ako
Kung pwede lamang
Ang gagawin ko para sayo
(CHORUS:)
Sisindihan ko ng kandila
Ang buong ayala
Bawat simbahan ako’y magpapamisa
Buong pilipinas
Bubuhusan ng saya at kanta
Para sayo
Nung dating christmas
Kahit papano meron
Akong regalo
Ngayon mahirap maraming gastos
Kapus pa ang sahod ko
Ohh sana maintindihan
Ang aking kalagayan
Ang ninanais lamang
Ay iyong kaligayan
Labas sa gastos
Lahat ay gagawin ko
Kung pwede lamang para sa christmas
Itong alay ko
sasamahan kita sa simbanggabi
At notche buena
magkakarolling ako sayo hanggang umaga
sa araw ng pasko ipapasyal kita sa luneta
Kung pwede lamang para sa christmas
Itong alay ko
Isasama kita bumisa sa aking ninong at ninang
Hahanapin ang mga kamag-anak
Na balikbayan
Lahat ng pasalubong nila ibibigay ko sayo
Sisindihan ko ng kandila
Ang buong ayala
Bawat simbahan ako’y magpapamisa
Buong pilipinas
Bubuhusan ng saya at kanta
Para sayo
Para sayo
Maligayang pasko
Para sayo
Maligayang pasko
Sanggol Na Mahiwaga
Sanggol na mahiwaga'y darating na
At alay Niya sa 'tin ay pag-asa
Ating tanggapin ang Kanyang pagmamahal
Kapag sasapit na ang araw ng Kanyang kaarawan
Ang bawat puso sa mundo ay puno ng kasiyahan
Nagpapalitan ng mga regalo at nagbibigayan
Pagkat ito ay pagdiriwang ng ating kaligtasan
Halina mga kapitbahay, kapatid, kaibigan
Tayo'y magsama-sama at ito'y ating paghandaan
Itabi na lang ang galit at tayo'y magmahalan
Tanggapin natin ang Bata sa 'ting buhay't tahanan
Sanggol na mahiwaga'y darating na
At alay Niya sa 'tin ay pag-asa
Ating tanggapin ang Kanyang pagmamahal
Sanggol na mahiwaga'y narito na
At dala Niya ang ating pag-asa
Tanggapin ang Kanyang pagmamahal
Maligayang Pasko sa inyo Kami ay pakinggan
Mula sa puso'ng aming awit para sa sanlibutan
Itabi na lang ang galit at tayo'y magmahalan
Tanggapin natin ang Bata sa 'ting buhay't tahanan
(AD LIB)
Sanggol na mahiwaga'y darating na
At alay Niya sa 'tin ay pag-asa
Ating tanggapin ang Kanyang pagmamahal
Sanggol na mahiwaga'y narito na
At dala Niya ang ating pag-asa
Tanggapin ang Kanyang pagmamahal
Sanggol na mahiwaga'y darating na
At alay Niya sa 'tin ay pag-asa
Ating tanggapin ang Kanyang pagmamahal
Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko
O bakit kaya tuwing Pasko ay
dumarating na
ang bawa’t isa’y para bang
namomroblema
hindi mo alam ang regalong ibibigay
ngayong kay hirap na nitong ating buhay
Meron pa kayang caroling at noche buena
kung tayo naman ay kapos at wala nang pera
nakakahiya kung muling pagtaguan mo
ang ‘yong mga inaanak sa araw ng Pasko.
(REFRAIN:)
Ngunit kahit na anong mangyari
ang pag-ibig sana’y maghari
sapat nang si Hesus ang kasama mo
tuloy na tuloy parin ang pasko
Mabuti pa nga ang Pasko noong isang taon
sa ating hapag mayroong keso de bola’t hamon
baka sa gipit, Happy New Year mapo-postpone
at ang hamon ay mauuwi sa bagoong
(REFRAIN:)
Ngunit kahit na anong mangyari
ang pag-ibig sana’y maghari
sapat nang si Hesus ang kasama mo
tuloy na tuloy parin ang pasko
(INSRUMNTAL)
(REFRAIN:)
Ngunit kahit na anong mangyari
ang pag-ibig sana’y maghari
sapat nang si Hesus ang kasama mo
tuloy na tuloy parin ang pasko
(CODA:)
Tuloy na tuloy pa rin (Tuloy na tuloy pa rin)
tuloy na tuloy pa rin (Tuloy na tuloy pa rin)
tuloy na tuloy pa rin ang Pasko
tuloy na tuloy pa rin ang Pasko