Rubber Band Lyrics

by ALLMO$T
'Di ba sabi mo noon
Walang bibitaw sa ating dalawa
Pinangako mo pa 'yun
Ako lang talaga't walang iba

Walang iba, sumagot ka naman
Gusto ko lang naman maintindihan
Kung ano talagang naisipan
Please lang, gumawa ka ng paraan

Para ako'y makita, para ako'y matikman
Alam mo ba miss na miss na kita
Baby, halika na
Sobrang lungkot na talaga

'Pag wala ka dito sa tabi ko
Lalo na 'pag napaisip pa sa 'yo
Wala nang magawa kung 'di tumulog na lang
Para ikaw ang mapanaginipan ko

Ikaw ang nasa puso't isipan ko
At panalangin na habang buhay na 'to

Nung ika'y lumapit
Ako'y biglang napakapit
Nagtataka kung bakit
Muli kang sumasabit
Sa buhay ko
'Di ba tapos na tayo
Ano ang dahilan bakit ka pa naririto

Bakit nga ba hinayaan
Natin 'to na mawala
Ano nga ba ang mga rason na sa atin nagdala
Na tapusin nang maaga ang ating nasimulan

Hindi na natin maibabalik
Mga panahon na dating tayo ay sabik
Dahilan kung bakit tila nawalan na ng gana
Magbigay ng pagpapahalaga at umibig pang ulit

Yah!

Sabihin mo sa 'kin ano ang problema kung ba't narito
Hindi 'yung babalik ka lamang kung kailan mo lamang gusto
Handa naman akong magsilbing balikat kapag malungkot
Pero asahan mo na 'di na 'ko babalik
At 'yan ang totoo

Nung ika'y lumapit
Ako'y biglang napakapit
Nagtataka kung bakit
Muli kang sumasabit
Sa buhay ko
'Di ba tapos na tayo
Ano ang dahilan bakit ka pa naririto

Pero...
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin
Ang mga alaala na iyong iniwan
'Di basta matalikuran madalas
Balik-tanawin, gano'n ka pa rin
Walang pinagkaiba sa dati nung ikaw ay makilala

Mga oras na kasama kita ay maligaya
Ako'y nagsunud-sunuran
Ngunit ang 'yong balak
Lang pala nung umpisa pa lamang ako ay utuin

Ako naman si tanga
Na umaasang kaya mo rin akong mahalin
Ang galing mo rin, dahil alam mo na 'di kita matitiis
Kaya 'di ko na ninais na muling mapalapit

Kaya kung pwede ba ay lumayo ka sandali
Isipin ko muna kung puso ba ay susundin
Sapagkat ako'y dala na pagod na kakaluha
Sa bangungot mong dala ay matagal nang nagising

Ngayo'y nagbabalik
Ikaw ba ay nananabik
Sa 'kin o sadyang wala ka lang matakbuhan
Ano ang katotohanan ng ating kamustahan
Nandyan kapag may kailangan tapos ako'y tatalikuran

Ngayo'y nagbabalik
Ikaw ba ay nananabik
Sa 'kin o sadyang wala ka lang matakbuhan
Ano ang katotohanan ng ating kamustahan
Nandyan ka kapag may kailangan tapos ako'y tatalikuran

Paligid ay palaging masyadong malamig
Itong pag-ibig natin aminadong nasaid
Kahit pa pilitin nating tumawid
Alam ko na wala rin namang makikinig

Kapag ka sumasagi ay nakakasabik
Muli na maranasan ulit na makilig
Kaso mukhang malabo na yatang bumalik
Kung ating napamukha na isarado ang bibig

Bintana'y binuksan at idinungaw ang mata
Nakita kita na ikaw din ay nag-iisa
Ako ay bumaba na para makausap kita
Kahit na pano'y lumuwag ang paghinga

Hindi talaga natin gustong magkaganito
Alam ko naman na ayaw mo na rin ng gulo
Kaso sa totoo lang kasi ay aminado
Ako na hindi na din kita kaya na masalo

Nung ika'y lumapit
Ako'y biglang napakapit
Nagtataka kung bakit
Muli kang sumasabit
Sa buhay ko
'Di ba tapos na tayo
Ano ang dahilan bakit ka pa naririto

Ngayo'y nagbabalik
Ikaw ba ay nananabik
Sa 'kin o sadyang wala ka lang matakbuhan
Ano ang katotohanan ng ating kamustahan
Nandyan ka kapag may kailangan tapos ako'y tatalikuran


Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics