Lipad Ng Pangarap Lyrics

by Angeline Quinto


Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sayo’y hapdi ng puso
Aabutin anng pangarap


At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Pag-unlad nitong bayang nililiyag
Kapalit ng dalmhati’t paghihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag..


Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi


Tutularan ka ng sunod ng saling lahi
Kapuri-puring pag-aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa’y nagpapasalamat


Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi


Ingatan mo ang lipad ng pangarap
Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
Na kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong… tagumpay
Ang tamis na dulot ng iyong… tagumpay
Iyong tagumpay



Genres & Moods
Advertisement

Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics