Sana Dumating Ka na Lyrics

by Cesar Montano

 

Paano kong pipitasin
Ang bulaklak sa hardin
Kung wala namang paghahandugan?
Paano kong aabutin
Ang buwan at mga bituin
Kung wala namang pag-aalayan?


Ang puso ko'y nangungulila
Naghahanap ng makakasama 
At karamay sa aking pag-iisa.
O, Bathala, dinggin Mo sana
Humihiling at umaasa
Na sana'y dumating na siya.


Paano kong aamuin
Ligalig ng damdamin
Kung wala namang masasandalan?
Paano kong bubuuin 
Isang buhay na lipos ng pag-ibig
Kung wala namang makakatuwang?


Ang puso ko'y nangungulila
Naghahanap ng makakasama 
At karamay sa aking pag-iisa.
O, Bathala, dinggin Mo sana
Humihiling at umaasa
Na sana'y dumating na siya.


Ooohhh...wohhh. Ooohhh...wohhh...wohhh.


Ang puso ko'y nangungulila
Naghahanap ng makakasama 
At karamay sa aking pag-iisa.
O, Bathala, dinggin Mo sana
Humihiling at umaasa
Na sana'y dumating na siya.


Sana dumating ka na.



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics