Malayo pa lang, kumakaway ka na
Di mapigil ang saya na tayo'y magkikita
Kailan lang nang tayo'y nagkakilala
Tinginan mo nga naman, ngayon ay ka-barkada

Ka-kuwentuhan ng kung anu-ano
Ka jamming sa mga awiting uso
Ka halakhakan at ka-biruan
Sa araw-araw, di pagsasawaan

Nais ko ay makasama ka
Ka-hati sa walang hanggang ligaya
Ka-tawanan magmula umaga
Ako'y nasasabik sa bawat araw
Dahil ka-piling ko ay laging ikaw

Salamat at nakilala ka
Salamat sa araw na tayo'y nagkita
Umaga man, tanghali o gabi
Natutuwa akong makita kang muli



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics