Feelings Lyrics

by Datus Tribe


Gusto ko sanang kumanta ng kantang masaya
Masigla maligaya makulay
Ipakita and diwa ng pagmamahalan


Ngunit iba ang aking nararamdaman kasi
May patayan sa kalye, may nag lolokahan sa palengke
Mga batang sabog, mga pulis na tulog
Sari-saring sandamukal na pulubi


Gusto ko sanang kumanta ng kantang ng pag ibig
Kasi sa puso ng pilipino talagang yan ang hilig
Gusto ko sanang kumanta ng kantang malambing
Ngunit sa twing sisimulan akoy naiiling


Sa amoy ng tambak na basura, sa kababuyan ng mga konggresista
Mga taong may sakit, mga tiyang namimilipit.
Kumakalam walang lamang mga sikmura


Hindi ko kayang kumanta ng kanta na pang crush at pang syota
Hindi ko kayang pag bigyan ang inyong hinihiling
Mga kantang pampagaan ng inyong feelings


Naiingit ako kay ariel, naiingit ako kay regine
Kay renz, kay roselle, kay ogie, kay ding dong
Kay april boy at kay martin


Naiingit ako kay ariel, naiingit ako kay regine
Kay ogie, kay sarah, kay paolo, kay Christian
Kay april boy pops at martin.