Dello

Si Wendel Gatmaytan (kilala sa kanyang screen name na Dello) ay isang rapper at battle emcee ng Fliptop. Binansagan siyang "Hari ng Rebuttal" dahil sa mga pinasikat niyang mga "rebuttal lines" o mga linyang ibinabalik sa kalaban bilang pantapat sa mga naunang linya ng kalaban.