Anak Ng Bayan Lyrics

by Demi

Simulan na nating sindihan
Ang mitsa ng himagsik
Ibulong mo kapatid
Sa ating kapwang nasasabik
Ang reporma na malabis na
Pinagkait ng hustisya
Isigaw mo kapatid
Ang natatanging pag-asa

Papayag bang magutom
At kumapit sa patalim
Pilit lumipad
Nakakadena sa dilim
Papayang bang gahasain,
Abusuhin, lapastanganin
Sinasabi ko sa’yo
May araw silang mga sakim

Buksan ang ‘yong mga mata
Wag mong ipikit
Sa ganid na pulitika
Na may dalang sakit
Humayo at magtipon na
Wag kang magpahuli
Ibagsak sila sa pwesto at
Simulan na natin mga anak ng bayan