Magtatagpong Muli Lyrics

by Dennis Trillo

Narito ka sa aking harapan
May ngiti sa iyong labi
Ngunit maya-maya, naglalahong pilit
Kapag iyong narinig
Mula sa aking bibig
Na mamamaalam na sa iyong piling
Ngunit ito'y pansamantala lamang


Pagsikat ng araw, magkikita tayong muli
Tutuparin ang pangako at di iwawaglit
Ibabalik ko ang ngiti sa iyong labi
Pagsikat ng araw, magtatagpong muli


Bakit kaya, bakit ba
Di ko maintindihan
Anong dahilan, ika'y nagpapaalam
Subalit aasa na lang
Sa pangakong iiwan
At magdarasal na marinig man lang
Mula sa iyong labi ang mga salitang


Pagsikat ng araw, magkikita tayong muli
Tutuparin ang pangako at di iwawaglit
Ibabalik ko ang ngiti sa iyong labi
Pagsikat ng araw, magtatagpong muli


Pagsikat ng araw, magkikita tayong muli
Tutuparin ang pangako at di iwawaglit
Ibabalik ko ang ngiti sa iyong labi
Pagsikat ng araw, magtatagpong muli


Pagsikat ng araw, magkikita tayong muli



Genres & Moods
Advertisement

Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics