Sayaw Sa Hangin Lyrics

by Dennis Trillo

Dati’y di ko alam kung anong gagawin
Halata ka naman na mayrong pagtingin
May kasama kang iba kaya
Di ka man lang makatingin

Naiintindihan ko ang mga ganitong laro
Ang Diyos nga naman ay sadyang mapagbiro
Nung ako’y nagbakasyon
Siya’y nagpaulan ng bagyo

At nakita kong mga punong sumasayaw sa hangin
Walang kahirap-hirap, kumakaway sa langit
Kay ganda ng mga punong sumasayaw sa hangin
Sa hangin

Pagkatapos ng bagyo ay natapos din itong
Paghihirap na nadarama ng puso
Huminga ‘ko ng malalim
Binaon kita sa puso

Alam ko ng sikreto sa pag-ibig natin
Mabuhay ng wala tayong hihintayin
Matuto na sumayaw sa hangin

At nakita kong mga punong sumasayaw sa hangin
Walang kahirap-hirap, kumakaway sa langit
Kay ganda ng mga punong sumasayaw sa hangin
Sa hangin

Ako ay sasayaw ng sayaw sa hangin
Alam kong umiibig ka na sa akin
Ako ay iyo at ikaw ay akin
Ay akin

Sumayaw sa hangin

Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics