Awit Ng Kambing Lyrics

by Dong Abay

Halikayo magsilapit
Kahit na po ilang saglit
Pakinggan nyo itong awit
Na di na mauulit


Pero wag pong magagalit
Sa mga iguguhit
Ang hagupit na sinapit
Mapait masakit malupit


Si juan ay seaman na nagbalik-bayan
Pagkatapos ng siyam na buwan
Inabutan sa tahanan
Matalik na kaibigan
Katalik ng kanyang asawa
Naghahalikan pa sila
Si juan ay napamura
Sa impyerno kayo magsama
Di nakapagpigil, gigil na gigil
Walang tigil pinagbabaril
Sa bandang huli
Sarili ang binaril


Trahedya 
Trahedya


Halikayo magsilapit
Kahit na po ilang saglit
Pakinggan nyo itong awit
Na di na mauulit


Pero wag pong magagalit
Sa mga iguguhit
Ang hagupit na sinapit
Mapait masakit malupit


Si nene'y ginagahasa
Mula pagkabata ng ama-amahang siga
Nang isang gabi
Pinagtangkaan muli siyang pagsamantalahan
Ayoko ko na
Di ko na kaya
Kaya si nene ay nanlaban


Hayop na hayok
Tinaga ng gulok
Binuhusan ng gas
Saka sinilaban
Isa si nene
Sa nasunog sa looban


Trahedya 
Trahedya


Trahedya ...



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics