Ay Buhay Lyrics

by Dong Abay

Tambay sa tulay
Ang matandang pilay
Akbay ang saklay
Mata'y matamlay
Ay buhay


Ngalay na ngalay
Kanyang kanang kamay
Panay ang antay
Grasyang ibigay ay buhay


Ay buhay siya'y parang isang lantang gulay
Walang humpay sa hanapbuhay
Ang lagay matirang matibay
Ang lagay matirang matibay ay buhay


Laway at kaway
Awa ang taglay
Sanay magpatangay
Ang nanlulupaypay
Ay buhay


Sabay ang sakay
Sa sanlaksang ingay
Lantay na lumbay
Latay sa malay
Ay buhay


Ay buhay siya'y parang isang lantang gulay
Walang humpay sa hanapbuhay
Ang lagay matirang matibay
Ang lagay matirang matibay ay buhay


Ay buhay siya'y parang isang lantang gulay
Walang humpay sa hanapbuhay
Ang lagay matirang matibay
Ang lagay matirang matibay ay buhay



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics