Kukote Lyrics

by Dong Abay

May araw na palaging gabi
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote


Gaano man kadilim
Magliliwanag parin


Nakikita ba ang bahagharing itim
Ang buwan na bulok
Ang basag na bituin


Naririnig din sa buong papawirin
Bihag ang kulog kidlat ay alipin


May ulap na
May gubat may dagat pa


Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng aking kukote


Langit ay liliparin
Kahit ang hangin ng himpapawid


Punong mahimbing ay lilim ng lagim
Pusod ay puntod
Puso ay balong malalim
Magsisi nay hindi pinagsisihan
Paligid ay isang panaginip lang


Umaambon umulan bumabagyo
Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng ating kukote
Umiiyak ang diyos sa halakhak pagkatapos


Nabasa ka kaya sa patak na bumuhos
Humahaba na ang luha sa pagpalakpak ng unos
Lumubog man ang lupa
May ilog parin na aagos
Malaya e malawak
Malaya't di nakagapos


Sa mata ng aking kukote
Sa mata ng aking kukote......



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics