Lapit Lyrics

by Ebe Dancel


Lapit, ligtas ka na sa aking piling
Malayo sa lumbay
Kaya’t buksan na ang pinto ng ‘yong puso


‘Di na, ‘di mo na kailangang mag-isa
Tapos na ang gulo
Kaya’t isara na ang bintana ng duda


Wala nang ibang maipapangako
Kundi habang ako ay nandito
‘Di magwawakas maligaya mong bukas
Porselana mong puso, iingatan ko


Lapit, ligtas ka na sa aking piling
may karamay ka na sa hirap at ginhawa
Sa bawat Luha’t tuwa
Halika, ‘wag mabahala kung ika’y maligaw
Hayaan mo akong maging ilaw
Kandilang gabay mo sa dilim


Wala nang ibang maipapangako
Kundi habang ako ay nandito
‘Di magwawakas maligaya mong bukas
Porselana mong puso, iingatan ko

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics