Maligalig (Acoustic Verion) Lyrics

by Ebe Dancel


Ayaw pang matulog ng gabi
Sa kama kong walang silbi
Ang umaga’y para bang kay layo-layo pa
Bumabagal ang ikot ng mundo
Habang bumibilis naman ang takbo
Ng utak kong gumugulong-gulong


Pinagpapasahan ng tuwa
At nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag-ibig ang
Kawawa kong pusong
Maligalig


Utak ko’y parang sampung tv
Iba’t-ibang istasyon na tabi-tabi
Ako ay drama at comedy
Ako ay araw at gabi


Kumakanta’t umiindak
May maalala lang biglang iiyak
Parang napapagod na ko sa mundo


Pinagpapasahan ng tuwa
At nakakatakot na lungkot
Ng galit at pag-ibig ang
Kawawa kong pusong
Maligalig


Dahil ang tanging nais lamang
Ay mapakali

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics