Bakit Ba Lyrics

by Ella May Saison

Bakit nang maramdaman nitong puso na
Ako'y umiibig sa 'yo
Laging hinahanap ka't iniisip na
Bawat sandali'y narito
            
      
Kay lakas nitong pintig
Kaba ay anong bilis
Kay hirap itago ng damdamin
Kapag umiibig (hah)


Bakit ba di matalo ng isip
Pag nararamdaman ang pag-ibig
Bakit di magawang maitago ang bawat pintig
Sabi ko sa sarili'y hindi na


Dahil ang minsan sa 'ki'y tama na
Ngunit heto at hanap-hanap ka   (ooh)
Sana ang pag-ibig mo ay laging tapat
Nang ang puso ko'y di mag-isa


Dahil buong buhay ko'y iaalay sa 'yo
Pag-ibig ko'y ganyan talaga


Kay lakas nitong pintig
Kaba ay anong bilis
Kay hirap itago ng damdamin
Kapag umiibig (hah)


Bakit ba di matalo ng isip
Pag nararamdaman ang pag-ibig
Bakit di magawang maitago ang bawat pintig
Sabi ko sa sarili'y hindi na


Dahil ang minsan sa 'ki'y tama na
Ngunit heto at hanap-hanap ka   (ooh)
Sana ang pag-ibig mo ay laging tapat
Nang ang puso ko'y di mag-isa


Dahil buong buhay ko'y iaalay sa 'yo

 



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics