Wasak Waltz Lyrics

by Ely Buendia


Eto na naman
Panahon ng tag ulan
Di maiiwasan sa buhay nino man
Tulad mo rin ako
Isang pulo
Sa dagat na walang hanggan
Nag hahanap ng masisilungan
Sa dinadami ng lugar
Dito pa nagkita
Gaano nga ba katagal
Ako'y tumatanda na
Pagkakataong tulad nito
Di dapat pinapalampas
Sabay nating harapin
Ang pag asa ng bukas


Itaas ang kamay at iwagayway
Masarap mabuhay
Itaob na ang tagay


Saan ka man pumunta
Meron man o wala
Diyan nagsisimula
Ang wasak na pagsasamahan


You want war
You want crime
This is all the decline
We are raise to remain in pain
Like cancer
Unreachable 


Pagkakataong tulad nito
Di dapat pinapalampas
Ang sakit na dinadala
Sa langit ang ating lunas


Itaas ang kamay at iwagayway
Masarap mabuhay
Itaob na ang tagay


Saan ka man pumunta
Meron man o wala
Diyan nagsisimula
Ang wasak na pagsasamahan



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics