Alkohol Lyrics

by Eraserheads


Di mapigil paggalaw, nagwawala, nagdadabog
Oi pare dahan-dahan lang muntik ka nang mahulog
May taong bumubulong, meron ding sumisigaw
Meron pang nag-iingles na parang kanong hilaw


Bigla nalang natutulala, umiiyak, tumatawa
Meron ding nagnanakaw at nawawalan ng pera
Sumusuray pag lumakad, nadadapa, nauuntog
Pag dalawin ng antok, kahit saan natutulog


May taong nagagalas na parang luko-luko
Kung saan ka man abutin, CR mo ang buong mundo
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol 
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol 
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol 
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol 


Alkohol, alkohol, alkohol


Di mapigil ang bibig, pati sikreto nasasabi
Nasusuka, kumakanta, napa-praning sa isang tabi
Kaya ko pa, yan ang laging sagot niya
Nananaginip ng gising pumupungay ang mata


Konting alak nalulunod, lumalakas ang loob
Umeekis, gumagapang, natitisod, sumusubsob
Labo-labo, sari-sari may naghahanap ng away
Binabangungot ng gising meron ding namamatay


Lumiliwanag, dumidilim, bumabait, tumatapang
Umiikot ang tingin, utak mo'y kinakalawang
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol (2x)
Alkohol, alkohol, alkohol


Lumiliwanag, dumidilim, nadadapa, nauuntog
Pag dalawin ng antok kahit saan natutulog
Bukas may hangover ka, pagising masakit ang ulo
Paano ba ako nakauwi? Shet kailangan ko ng yelo


Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol 
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol 
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol 
Alkohol, alkohol, utak mo'y buhol-buhol 


Alkohol, alkohol, alkohol



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics