Kailan Lounge Lyrics

by Eraserheads


Kailan mo ako hahagkan
Matagal na akong naghihintay
Nakadungaw sa bintana
Mga dahon lang ang kumakaway


CHORUS
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luha humahalik sa 'king pisngi


Kailan ako tatahan (ooh)
Higpit ng yakap ng 'yong dibdib (ooh)
Nakatingin ako sa salamin (ooh)
May guhit ang noo't mapait ang ngiti (ooh)


CHORUS
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luha humahalik sa 'king pisngi


BRIDGE
Kailan ko masisilayan
Sa araw-araw, aking mahal
Mula paggising hanggang sa pag-idlip
Kagandahan mong walang patid


Kailan mo ako hahagkan (ooh)
Matagal na akong naghihintay (ooh)
Nakadungaw sa bintana (ooh)
Mga dahon lang ang kumakaway (ooh)


CHORUS
Kailan ko mararamdaman
Pagdampi ng iyong labi
Tinatanaw ko ang mga bituin
Mga luha humahalik sa 'king pisngi


Kailan ako lalaya
Sa anino ng pag-iisa
Mga rehas lang ang tanaw
Nanginginig sa seldang maginaw, hoh



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics