Walang Hiyang Pare Ko Lyrics

by Eraserheads

 

Pare ko, meron akong problema
'Wag mo sabihing "na naman"
In-love ako sa isang kolehiyala
Hindi ko maintindihan


'Wag na nating idaan
Sa mabuting usapan
Lalo lang madaragdagan ang sakit ng ulo
At bilbil sa t'yan


Anong sarap kami naging magkaibigan
Napuno ako ng pag-asa
Iyun pala, hanggang doon lang ang kaya
Akala ko ay pwede pa


Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka n'ya gagaguhin


O, Diyos ko, ano ba naman ito
'Di ba langhiya
Nagmukha akong tanga
Pinaasa n'ya lang ako
Lecheng pag-ibig 'to
Diyos ko, ano ba naman ito
Hoh hoh woh hoh woh


Sabi n'ya, ayaw n'ya munang magka-syota
Dehins ako naniwala
'Di nagtagal, naging gano'n na rin ang tema
Kulang na lang ay sagot n'ya


Bakit ba ang labo n'ya
'Di ko maipinta
Hanggang kailan maghihintay
Ako ay naiinis na


Pero minamahal ko s'ya
'Di biro, TL ako sa kanya
Alam kong nababaduyan ka na sa mga sinasabi ko
Pero sana naman ay maintindihan mo


O, pare ko (o, pare ko), meron ka bang maipapayo
Kung wala ay okey lang (kung wala ay okey lang)
Kailangan lang ay ang iyong pakikiramay
Andito ka ay ayos na (andito ka ay ayos na)


Masakit mang isipin
Kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso
Saka ka n'ya gagaguhin


O, Diyos ko, ano ba naman ito
'Di ba langhiya
Nagmukha akong tanga
Pinaasa n'ya lang ako
Lecheng pag-ibig 'to
Diyos ko, ano ba naman ito
'Di ba langhiya
Nagmukha akong tanga
Pinaasa n'ya lang ako
Lecheng pag-ibig 'to
Diyos ko, ano ba naman ito


Hoh hoh woh hoh woh
Hoh hoh woh hoh woh



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics