Inakup...Arekup Lyrics

by Geneva Cruz

Isang taon pa lang ako 
Nasundan na ni Toto. 
Di pa sawa sa gatas mo 
Meron nang kasosyo 
Grade 2 walong taon pa lang 
Apat na bata ang inaalagaan
Di nakatikim ng patintero 
Dahil nagbenta ng banana-cue


Inakup... Tama na... 
Sobra na Arekup... 
Please naman, 
Magplano na 
Sabi mo ay mahal mo ako 
Pero bakit di mo maasikaso


Grade 6, labing dalawa na ako 
Kasing daming na ng pamilya ko 
Sabi mo pasensya na 
Walang pera kaya mag-drop out ka


Inakup...mga batang sana'y grasya 
Arekup...ay nagging disgrasya 
Sabi mo kami ay mahal ninyo 
Bakit ba hindi kayo nagplano.


Inakup...Ang tangi mo na lang pag-asa 
Arekup (hay) mangyayari ba 
Na mayro'ng umangat na maski isa 
Kahit na napaka dehado na.


Kaya ako'y matuto sa nagging 
Buhay ko 
Hindi mauulit ang nasirang plano 
Mag-aasawa pag handa na 
Magpapamilya lang ng kaya..



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics