Bugtong Lyrics

by Gloc-9


Di yata dapat ginawa to' 
Parang delikado 
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao 
Hindi ko pipigilin 
Hindi na sisilipin 
Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin 
Sasabihin, sasabihin, sasabihin , sasabihin 


CHORUS: (Yeng Constantino)
Pwedeng tao, pwedeng hayop, 
Sino kaya ang tinutukoy ko ? 
Parang tao, parang hayop 
Sino kaya ang tinutukoy ko ? 


GLOC-9:
Malamang ang ibinoto mo'y corrupt 
Tao n'ang kanyang likod ang ginagawang harap 
Tutungtong sa entablado at makikiharap 
Dumudura ng mga kasinungalingang masarap pakinggan 
Parang awitin na laging nasa tono 
Pero ang kanyang ugali ay ubod nang sintunado 
Tituladong abogadong milyonaryong mabaet 
May isan dosenang anak sa patong-patong na kabet 
Tingnan mo ang baet, parang di ka nahihiya 
Napakarami ang gutom pero ika'y nakahiga 
Nagpapasasa sa kayamanang kay bilis 
Mong nakuha sa pinagsama-sama naming buwis 
Amoy panis, kay bangis, kapag ikaw ang kumagat 
Walang natitira, simot lahat,pati buto't balat 
Nagkakalat ay isang garapal na mandaraya 
Walang pinagkaiba sa nakaabang na buwaya 
Na sinasakmal ang lahat ng makita 'pag gutom 
Panga'y laging nakabukas na parang bilasang tahong 
Kaya parang alam ko na kung ano ang dahilan 
At kasagutan dito sa laro ng hula-hulaan 


CHORUS: (Yeng Constantino)
Pwedeng tao, pwedeng hayop, 
Sino kaya ang tinutukoy ko ? 
Parang tao, parang hayop 
Sino kaya ang tinutukoy ko ? 


Di yata dapat ginawa to' 
Parang delikado 
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao 
Hindi ko pipigilin 
Hindi na sisilipin 
Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin 
Sasabihin, sasabihin, sasabihin , sasabihin 


GLOC-9:
Na para bang hindi ka makahinga 
Natatakot na baka biglang maamoy nila 
Ang mabaho at bulok na sistemang nakabara 
Sa malaki at matigas na tiyan mo'y kakasya pa ba? 
Araw-araw kang busog pero di ka makadighay 
Hinay-hinay lamang , baka ho inyong ikamatay 
Magtiwala ka , anak, yan ang sabi ni inay 
Pero bakit lahat ay sanay na sanay sa lagay?
Ganyan dito sa pinas, ewan ko lang sa iba 
Magkano ba ang amin jan, yan lang ang mahalaga 
Teka tulungan nio ako, sinong malinaw ang mata 
Ituro niyo kung sinong di milyunaryo sa kamara 
Pagpasensiyahan niyo na kung medyo hindi bilib 
Tinuruan lang ako na maging mapagmasid 
Sa tagal ng panahon, mahirap maging manhid 
Parang sugat na tuyo na tinalupan ng langib 
At binuhusan ng mertiolet, sa laman nakadikit 
Iwan ang pamilya sa ibang bansa ipagpalet 
May pag-asa pa ba ang bayang nakataya 


CHORUS: (Yeng Constantino)
Pwedeng tao, pwedeng hayop, 
Sino kaya ang tinutukoy ko ? 
Parang tao, parang hayop 
Sino kaya ang tinutukoy ko ? 


Pwedeng tao, pwedeng hayop, 
Sino kaya ang tinutukoy ko ? 
Parang tao, parang hayop 
Sino kaya ang tinutukoy ko ? 


Di yata dapat ginawa to' 
Parang delikado 
Ang mahalaga'y maririnig ng mga tao 
Hindi ko pipigilin 
Hindi na sisilipin 
Kahit na takpan aking bibig ay aking sasabihin



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics