Buti Na Lang Lyrics

by Gloc-9


CHORUS: (Mcoy Fundales)
Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon 
Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon 
Malalaman ng iba na puro angas ka lang 
Buti na lang hindi ako mayabang 
Buti na lang hindi ako mayabang 


GLOC-9:
Kasi sabi ng aking itay anak wag kang magyayabang 
Wag mong buhatin ang bag ko kahit medyo magaang 
Di pa napipisa ang itlog ay wag kang magbilang 
Wag mong ibenta ng mahal kung ang timpla ay matabang 
Wag kang magmamagaling kung hindi ka magaling 
Wag mong doblehin ang pera mo kung hindi ka duling 
Kasi halata naman at napapag-alaman 
Kapag binuksan ang tinapay manipis ang palaman 
Mas mabuti pang iba ang siyang nakakapuna 
Sa huling mong ginawa wala pang nakakabura 
Ikaw ay nakakaburaot para kang kulangot 
Na mahirap dukutin kasi medyo malapot 
Sige ipagpalagay natin na ikaw ay nakakaangat 
Puro mamahalin ang dumadampi sa 'yong balat 
Kailangang bang ipagkalat sumigaw hanggang sa mamalat 
Kahit magulang mo lang ang nagbigay sa 'yo ng lahat lahat 


CHORUS: (Mcoy Fundales)
Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon 
Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon 
Malalaman ng iba na puro angas ka lang 
Buti na lang hindi ako mayabang 
Buti na lang hindi ako mayabang 


GLOC-9:
Sabi ng aking inay wag mong tawanan ang pilay 
Wala kang karapatang magalit kung hindi ka nagbigay 
Sa mga namamalimos, mga naghihikahos 
Paggising ay trabaho hindi pa naghihilamos 
Teka mali hilamos para maiayos 
Wala kang tsinelas pano magkakasapatos 
Wag mong ipagmalaki na ika'y pinangaralan 
Alam naman natin na kalaban mo'y dalawa lang 
Ilang taon ang dumaan lahat ay pinag-abang 
Ibaba mo ang 'yong kamay bakit laging nakaharang (representing south side) 
Masorpresa mga bato sa baybati 
Sa kapitbahay niya doon sa monumento 
Malabo pa sa tveng sira ang antena'y nakagiba 
Ayos lang namang suutin ang sombrerong pakabila 
Basta't alam mo lang na talampakan mo'y nakasayad sa lupa 
Para di ka madulas bago ang alikabok kong lupa 


CHORUS: (Mcoy Fundales)
Kung nagkataon hanggang leeg mo'y baon 
Iisa-isahin ko sa'yo mga mali mong baon 
Malalaman ng iba na puro angas ka lang 
Buti na lang hindi ako mayabang 
Buti na lang hindi ako mayabang 


GLOC-9:
Madami akong pera magaling ako na rapper 
Ang katropa ko ay ang pinakamatapang na gangster 
Nakapila mga chicks pero hindi yong manok 
Yong tipong mga sexy at mahahaba ang buhok 
Madami ko nang award dala ng aking bodyguard 
Hindi umiinom ng beer yung lang mamahaling na heart 
Kita mo tong mga bling bling e pero maningning 
Mga plakerang album nakasabit sa dingding 
Magara aking auto bumabayo ang sounds ko 
Hindi ito commercial homie ang the prize to 
Madami akong pera magaling ako na rapper 
Yan aking mga fans tingnan mo dito sa friendster



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics