Kunwari Lyrics

by Gloc-9


[Speech: Gloc-9]
Mga kababayan, sa darating na halalan 
Ako po sana'y mapagbigyan 
Ang nais ko lang naman 
Kayong lahat ay mapagsilbihan 


[Chorus: Kamikazee] 
Ako, ako, ako ang piliin nyo 
Wag po kayong maniniwala sa iba 
Ang lahat ng mga sasabihin ko 
Totoo titigan pa ko sa mata 


Ako, akong piliin nyo 
Ako lamang at wala na ngang iba 
Ang kasagutan sa lahat 
Ng kahirapan nyo kunwari, ng kahirapan nyo kunwari. 


[Verse: Gloc-9:]
Panahon na naman 
Ng magulong bilangan 
Kung hindi ka makatiis 
Ang mukha mo ay manipis 
Hindi uso ang mahiyain 
Kahit busog kumakain 
Lahat ay napapailing 
Sa tulog-tulugan na gising 


Ako nga po pala ay si 
Kandidatong may pambili 
Ng kotse, bahay at lupa 
Kayamanan ang may alam lang ay manghuhula 
Gusto ko lang ay makatulong sa mga dukha 
At lahat ng mga sinungaling ay mapuksa 
Akin na mga perang mapapasakin, sige na! 


[Chorus: Kamikazee]
Ako, ako, ako ang piliin nyo 
Wag po kayong maniniwala sa iba 
Ang lahat ng mga sasabihin ko 
Totoo titigan pa ko sa mata 


Ako, ako ang piliin nyo 
Ako lamang at wala na ngang iba 
Ang kasagutan sa lahat 
Ng kahirapan nyo kunwari. 


[Verse: Gloc-9:]
Kapag ako'y inyong binoto 
Lahat ay magkakatrabaho 
Bawat pamilya may bigas 
Mga palad kong nakabukas 
Bakit tayo nakukuntento 
Pag binigyan ng isang kilo 
Na ang dapat nakalaan 
Higit pa sa isang kaban 


Galing nga po pala yan kay 
Kandidato na naglagay 
Ng kotse, bahay at lupa 
Kayamanan ang may alam lang ay manghuhula 
Gusto ko lang ay makatulong sa mga dukha 
At lahat ng mga sinungaling ay mapuksa 
Akin na mga perang mapapasakin, sige na! 


[Chorus: Kamikazee]
Ako, ako, ako ang piliin nyo 
Wag po kayong maniniwala sa iba 
Ang lahat ng mga sasabihin ko 
Totoo titigan pa ko sa mata 


Ako, ako ang piliin nyo 
Ako lamang at wala na ngang iba 
Ang kasagutan sa lahat 
Ng kahirapan nyo kunwari. 


[Gloc-9:]
Wag nyo pong kalilimutan
Ang aking pangalan
At lahat ng aking mga pinagsasasabe
Ay hindi kasinungalingan


[Ad-Lib]


[Gloc-9:]
"Ako, ako, ako ang piliin nyo 
Wag po kayong maniniwala sa iba 
Ang lahat ng mga sasabihin ko 
Totoo titigan niyo pa ako sa mata" 


[Chorus: Kamikazee]
Ako, ako, ako ang piliin nyo 
Wag po kayong maniniwala sa iba 
Ang lahat ng mga sasabihin ko 
Totoo titigan pa ko sa mata 


Ako, ako ang piliin nyo 
Ako lamang at wala na ngang iba 
Ang kasagutan sa lahat 
Kahirapan nyo kunwari. 


[Gloc-9:]
Mga pangako na katumbas lang ay basura 
Na pinapahawakan mabaho na nga paso pa
Sa apoy na kasakiman pinagkalulo ka 
Maamoy ng mga dahilan kaya sinusuka 
Harap harapan 'to hindi kailangan ng kuta
Na para kang binulag o tinapunan ng muta 
Sobrang magkaiba ang minasdan sa nakita 
Lalo na ang tiwala na binigay sa kinuha



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics