Tinta Lyrics

by Gloc-9


Pwedeng Asul
Pwedeng Itim
Pwedeng Pula
Pwedeng Iba, ang mahalaga’y kung anu ang maiintindihan nila.
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon Sabihin mo sa akin, Paano mo ginamit ang tinta.


Ahh ahh ahh ahh ahh
Ahh ahh ahh ahh ahh


Nagsimula ang lahat ng aking mahawakan ang papel at panulat habang Ako’y tinuturuan ni nanay habang sya’y naglalaba ng damit sa poso paulit-ulit isinusulat at dapat deretso ang mga, letra na parang petsa sa kalendaryo, magbasa ng aklat kung minsan nama’y komiks at dyaryo ng sa gayo’y mapalawak ang aking bokabularyo at hindi imbento na parang gamot ng albularyo.


Nag-aral isa dalawa tatlong baytang sa elementarya natapos sa ika-anim Ngunit walang medalyang nakasabit sa aking leeg, ng hindi sampagitang dala-dala ni tatay pagkatapos mamasada. Lumipas ang mga taong sinubukang lumikha mga salitang magakatugma na ang tawag ay tula, ngunit may nagsabi sa akin cris pagnaron ka na, sabihin mo sa akin kung paano mo ginamit ang tinta.


Pwedeng Asul
Pwedeng Itim
Pwedeng Pula
Pwedeng Iba, ang mahalaga’y kung anu ang maiintindihan nila.
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon Sabihin mo sa akin, Paano mo ginamit ang tinta.


Ahh ahh ahh ahh ahh
Ahh ahh ahh ahh ahh


Paggising mo sa umaga maliligo ka sa banyo, papasok ka sa eskwela,
manghihingi ka ng baon, kung titigna’y wala kang pinagkaiba sa lahat
Ngunit sa iyong isipan ay may nabubuong alamat
Ng isang makatang laging titingalain ng lahat
Ang mga awit na ikaw lang ang may alam ng pamagat
Na balang araw ay sasambitin, awit mo’y kakantahin


Ng lahat ng batang tulad mo’y may pangarap rin.


Ngunit ngayo’y nagsisimula ka pa lang
Di mo hahayaang pigilan ang iyong bawat hakbang
Kahit na ito’y mabagal na parang nakasaklay
Ang mga pangarap mo syang sandata mong taglay
At walang makakapigil, kahit minsan ay parang
wala ka nang maayos na lupang pwede mong lakaran
Ngunit pagdating ng araw at naron ka na sabihin mo
sa akin kung paano mo ginamit ang tinta.


Pwedeng Asul
Pwedeng Itim
Pwedeng Pula
Pwedeng Iba, ang mahalaga’y kung anu ang maiintindihan nila.
Sila na syang makikinig at makabisado ng kanta
Ngayon Sabihin mo sa akin, Paano mo ginamit ang tinta.


Ahh ahh ahh ahh ahh
Ahh ahh ahh ahh ahh



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics