Tissue Lyrics

by Gloc-9


Tumatakbo papalayo ubos na ang pasensya ko 
Di ko alam ang gagawin sa kaliwa o sa kanan 
Wala akong mapuntahan nagdidilim ang paningin 


CHORUS:
Makakayanan ko pa ba 
Kailangan kong makawala dito 


VERSE 1:
Quaker oats sa umaga, minaycrowave na ensaymada 
May topping na vanilla ice cream tapos mais na nilaga 
Madaming nido'ng champorado paborito na adobo 
Boneless na bangus na daing hot pandesal na merong maling 


CHORUS:
Makakayanan ko pa ba 
Kailangan kong makawala dito 


VERSE 2:
Tumatayo ang balahibo pinapawisan ang mga balat ko 
Medyo mainit ang ulo bumibilis ang paglakad ko 
Parang ang lamig ng hangin wag mong itapat sa akin 
Kulang na lang ay manalangin sana wag ako'ng abutin 


CHORUS:
Makakayanan ko pa ba 
Kailangan kong makawala dito 


VERSE 3:
Humihilab ang aking tiyan wala akong matakbuhan 
Ang taas pa ng hagdan kailangan ko ng banyo 
Wag na wag kang lalabas parang nilugaw na bigas 
Ibang klase ang antas pag ikaw ang naalingasaw 
Pag libre ay medyo mabaho pahiram naman po ng tabo 
Sana di maraming tao baka kasi mahalata mo 
Sana may maayos na puwesto mahirap na ang mabisto 
Tatlo, lima o sampung piso depende to sa gagawin mo 


CHORUS:
Makakayanan ko pa ba 
Kailangan kong makawala dito 


Tumatakbo papalayo ubos na ang pasensya ko 
Di ko alam ang gagawin sa kaliwa o sa kanan 
Wala akong mapuntahan nagdidilim ang paningin 


CHORUS:
Makakayanan ko pa ba 
Kailangan kong makawala dito



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics