Tula Lyrics

by Gloc-9


Yeah
Yeah


Marahil ay iniisip niyo
Kung anong klaseng awitin ang inyong maririnig
Mga kakaibang awitin hango sa buhay
Ng isang tao na kung tawagin ay si gloc 9
La la la la la la la la la la la la la


Nagsimula ang lahat ng aking hawakan ang lapis at papel
Ako si aristotle 'sang studyante na tulad lang ng iba
Walang magarang damit o pera, ganon lang talaga ang buhay
Ngunit ng ako'y nagsimulang tumula
Ang lahat ay nabigla ako ang nasa gitna


At nalaman ko ang landas na aking dapat tahakin
Sinimulan kong hanapin ang buhay na para sa akin
Ngunit hindi naging madali ang napili kong kapitan
Para sumakay ng bus na siksikan sa may dapitan
Puno ng pawis at luha ang sakin ay humamo


Para kang natatabunan pilitin mo mang bumangon
Hindi naglaon ay puno na ng latay ang aking likod
Para lang sa mikropono lumalakad ng paluhod
Ngunit hindi ako nagpatalo kahit ano mang sabihin ng mga tao
Di naman nakakakilala sakin eh


CHORUS
Sa'kin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sa'kin ay makinig ng inyong malaman
La la la la la la la la la la la la la


Di niyo alam kung ano ba ang pinagdaanan ni gloc
Masahol pa sa kalsada na punong puno ng lubak
Umiiyak ako patuloy na nananalangin
Sumulat pa ng sumulat pinilit paring aralin
Nang sa, ngayon ay may nakapansin sa king boses


Na parang binaggit mo ang pangalan ni gaby lopez(patay)
At di naglaon ay parang unti unti nararating
Ako'y biniyayaan ng dalawang buhay kong hiling
Ngayon ay wala ng makakapigil, ako ay nanggigigil
Gusto mo magarap ako ang titser at ikaw ang pupil


Tama na ang pagalingan tama na ang paligsahan
Eto ang album ko my bago kang pagaaralan
Sino ang amo mo sabihin sa kanya to
Di uubra lahat nang uhugin ng lyric ko
Sa aking mga kaibigan ako ay nagpapasalamat
Lagi niyong isipin na hindi masama ang mangarap


CHORUS
Sa'kin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sa'kin ay makinig ng inyong malaman
La la la la la la la la la la la la la


Sa'kin ay makinig ng inyong malaman
Ang bawat nilalaman ng aking isipan
Sa'kin ay makinig ng inyong malaman
La la la la la la la la la la la la la


La la la la la
La la la la la
La la la la la
La la la la la



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics