May Minamahal Lyrics

by Hajji Alejandro

May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa’t isa ng pag-ibig
At ngayo’y nagmamahalan ng tapat
 

‘Pag nagmamahal
Bawat sandaling kasiping ka’y anong bilis
Bawat oras ay mayro’ng
Kasaysayang anong sarap
Anong tamis
Maligaya nga ang taong nagmamahal


Kaya ako’y napaligaya
Ng tunay na pagmamahal
Ang lahat ng katangian ay sa’yo
Ningning ng mata, lambot ng labi
At ugaling walang kapintasan
Nababalot ng alindog, katawang tunay


‘Pag minamahal
Kulay rosas ang paligid ko
Sa tuwi-tuwina nakayakap sa ulap
Buong mundo’y nagagalak
Na mayroong nagtatalik na dal’wang
Pusong nagmamahal


Kaya’t tayo’y magpasalamat
Sa ating kapalaran
Nasa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang hinahanap
Ng bawat nilalang na may puso rin
Dahil tayo’y hindi magbabago
Hanggang may buhay.



Genres & Moods
Advertisement

Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics