Pagbabalik Lyrics

by Hajji Alejandro

Bakit ba ngayon lamang
Nadama ng puso ko
Minamahal pala kita
Bakit ba 'di ko nasabi sa 'yo
Nang ikaw ay wala na
Ay saka nalaman ko
Ngayo'y naghihintay ako sa 'yo


Sana'y magbalik pang minsan
No'ng tayo pa'y magkaibigan
At ng masabi ko sa 'yo
Mahal kita sana'y marinig mo
Kung mayro'n nang ibang pag-ibig
At kung sa piling niya'y 'di langit
'Eto ako at naghihintay
Umaasa sa 'yong pagbabalik


Bakit ba ngayon lamang
Nadamang mahal kita
Nanghihinayang ang puso
At inaamin na kailangan ka niya
Tunay ng mawala ka puso ay nag-iisa
Sana sa kailanma'y tayong dal'wa


Sana'y magbalik pang minsan
No'ng tayo pa'y magkaibigan
At ng masabi ko sa 'yo
Mahal kita sana'y marinig mo
Kung mayro'n nang ibang pag-ibig
At kung sa piling niya'y 'di langit
'Eto ako at naghihintay
Umaasa sa 'yong pagbabalik


'Di ako nangangako
At di sumusumpa sa 'yo
Basta't ang susundin ko lamang
ay ang damdamin ko

Sana'y magbalik pang minsan
No'ng tayo pa'y magkaibigan
At ng masabi ko sa 'yo
Mahal kita sana'y marinig mo
Kung mayro'n nang ibang pag-ibig
At kung sa piling niya'y 'di langit
'Eto ako at naghihintay
Umaasang magbabalik



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics