Sa Ngalan Mo Lyrics

by Imago


Pa’no mo iibigin?
Ang ‘sang tulad kong marupok, sugat-sugat
Saplot ang galos ng nakaraan?
Pano mo hihilumin?
Pano ko tatanggapin?
Anong usapan?
Agaw buhay ang pag-asa


O tatawagin ko, lalapitan ko
Ang s’yang umagaw sa lalawigan ng noon


Maakit ko sana
Ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana
Ganap mong himbing
Wag mo ‘kong lisanin ng tunay kang ma-ibig


Pano lilipulin?
Daang-daang kong pagsira
Sa kakababad sa sarili kong pangunawa?
San ko hahanapin?
Pano ko sasadyain?
Ang iyong anyaya
Ako’y marungis di makalapit


At sa twina’y masasambit ang ngalan mo
Ipit sa sisi
Bilang ko ang kulang ko
Ngunit lahat ng ito
Lahat ng ako
Handang maging iyo


Maakit ko sana
Ang iyong pagtingin
Pahawak mo sana ang pusong maligalig
Sa duyan ko sana
Ganap mong himbing
Wag mo ‘kong lisanin ng tunay kang ma-ibig



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics