Pinakamamahal Lyrics

by Janno Gibbs

Pinakamamahal
Pinakatatangi at laging pinagdarasal
Pinakaaasam na makamtan
Ng kay tagal
Pinakamamahal


Sana’y malaman mo
Na ikaw lamang
Ang tanging nais na makapiling ko
Maging ang buhay ay handang ialay sa iyo
Ibigin lang ako, ibigin lang ako


Pinakamamahal
Lahat ng nais ko
Ikaw ang may taglay
Hanggang walang hanggan
Ako’y maghihintay
Sa iyong pagmamahal,
Pinakamamahal


Pinakamimithi
Sa piling mo
Tila langit ang bawa’t sandali
Masulyapan ka lamang
Puso ko’y ngumingiti
Pinakamimithi


Pinakasisinta
Kung kasalanan ang ibigin ka’y
Hayaan na
Na ang langit at diyos
Ang sa akin ay humusga
Huwag kang mag-alala
Ipaglalaban ka


Pinakamamahal
Lahat ng nais ko
Ikaw ang may taglay
Hanggang walang hanggan
Ako’y maghihintay
Sa iyong pagmamahal,
Pinakamamahal


Pinakamamahal
Lahat ng nais ko
Ikaw ang may taglay
Hanggang walang hanggan
Ako’y maghihintay
Sa iyong pagmamahal,
Pinakamamahal


Pinakamamahal…
Pinakamamahal



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics