Paano Ba Maibabalik Ang Kahapon Lyrics

by Jed Madela

Kahit saan ka man naroroon
Asahan mong lagi kang nasa puso ko
At kahit di na muling magkasundo tayo
Maghihintay na lang, kahit di mo alam
At kahit gaano ang pagdaramdam ko
Di maglalaho ang alaala mo
At kahit tapos na ang lahat sa ‘ting dalawa
Sigaw ng puso ko, ikaw pa rin walang iba


Paano ba maibabalik ang kahapon
Kung ang lahat sa atin ay nagwakas na
Paano ba maibabalik ang pagmamahal mo
Maghihintay pa rin sa iyo, mmm..


Hindi inaasahang ganito pala
Araw at gabi na nakikita
At kahit sabihin kong limutin ka
Sigaw ng puso ko'y ikaw pa rin walang iba


Paano ba maibabalik ang kahapon
Kung ang lahat sa atin ay nagwakas na
Paano ba maibabalik ang pagmamahal mo
Maghihintay pa rin sa iyo, mmm..


Sa aking pag-iisa ay narito ka
Sa puso ko o giliw ko


Paano ba maibabalik ang kahapon
Kung ang lahat sa atin ay nagwakas na
Paano ba maibabalik ang pagmamahal mo


Maghihintay pa rin sa iyo
Hanggang sa dulo ng mundo
Maghihintay pa rin sa iyo



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics