Disgrasya Lyrics

by Jimmy Bondoc

Malilimutan ko na sana kung pa’no malungkot
Nang sa isang pag-ibig puso ko’y nasangkot
Hinulog ko ang puso ko’t kanyang dinampot
At nang siya’y tinanong isang “oo” ng sinagot


Nalimutan ko na yata kung pa’no magmahal
Dahil nu’ng isang araw nung kami’y nagpasyal
Nakita ko sa dulo ng aking mga mata
Ang dati kong inibig, ang dati kong syota


(Natutukso akong) tumawag (Natutukso akong) pumayag
Ang isip ko’y nagpipigil
Ang puso ko’y nanggigigil


Disgrasya (ooh) Disgrasya (disgrasya) Disgrasya (hala ka) 
Ang dalawang buwan sa isang langit
Ay ‘di kasya
Disgrasya


Tinawagan ko agad ang dati kong kabiyak
At nang kami’y mag-usap muntik siyang maiyak
Narinig ko ang aming magkasabay na tibok
At dahil sa kaba kami ay napalunok


Ngunit nang makausap ko’ng syota kong muli
Kahit na paliwanag ay hindi humingi
Hindi niya ko inipit, hindi naghinala
Sa akin raw matibay ang kanyang tiwala


(Bumubulong-bulong) ang hilig
Ang isip ko’y nagpipigil
Ang puso ko’y nangigigil



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics