Ilang Ulit Lyrics

by Jimmy Bondoc

Ilang ulit na bang
Sinubukan na limutan ang nakaraan
Ilang ulit na ring
Naghanap ng pupuno sa butas na iniwan
Ng ating paghihiwalay
Ng pag-ibig na kapuluan
Ilang ulit na ring
Lumayag at lumangoy sa pitong karagatan
Upang muli lang mahanap
Ang tamis ng ‘yong pagyakap
Sa lasa ng buhay ko’y hinahanap na sangkap


Hindi ko na kayang manghinayang
Sa pag-ibig na sinasayang
Wag nang mag-atubili
Tayo na't magmadali
Pagbigyan ang hiling
Wag nang magsinungaling
Sa mga pusong naghihinaing


Ilang ulit pa bang 
Likutin ang mundo na walang patunguhan
Ilang ulit pa bang
Sisisirin ang dagat upang muling makamtan
Ang pag-ibig na narito
Ang puso nati’y nalito
Kung hindi ka mapasakin mundo ko’y hihinto


Hindi ko na kayang manghinayang
Sa pag-ibig na sinasayang
Wag nang mag-atubili
Tayo na't magmadali
Pagbigyan ang hiling
Wag nang magsinungaling
Sa mga pusong naghihinaing



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics