Kaharian Lyrics

by Jimmy Bondoc

Habambuhay ka nang hinihintay 
Ng puso kong hindi mapalagay
Habambuhay ka nang hinanap
Pangarap sa mundong mapagpanggap
At kung ialok sa ‘yo ang puso kong
Bihirang magmahal
Tatanggapin mo ba o tatanggihan mo ba
H’wag mo sana ‘kong iwanan sa pag—aalinlangan


Buong puso ko nang inaalay
Ang sari-sari kong mga kulay
Buong puso ko nang hinaharap
Ang pagsuyo kong walang kasing ganap
At kung ika’y pilay gamitin mo akong saklay
Na aalalalayan ka
Aakbayan kita
Pagbigyan mo ang pusong nabighani sa ‘yong ganda


Sinumpa ko sa sariling
Hinding-hindi manliligaw
Kahit na sino mang prinsesa
Mundo man ay magunaw
Ngunit ikaw ang reyna ng aking panagimpan
Maari bang hiranging hari ng iyong Kaharian


Panalangin ko sa gabi-gabi
Puso mo’t puso ko’y magkatabi
Panalangin ko sa araw-araw
Mula sa ‘ki’y hindi ka maagaw
At kapag ika’y mahulog
Sa ‘kin dumulog
Sasaluhin kita
Kakandungin ka pa
‘Wag mo nang iwasang tayo’y para sa isa’t-isa


Sinumpa ko sa sariling
Hinding-hindi manliligaw
Kahit na sino mang prinsesa
Mundo man ay magunaw
Ngunit ikaw ang reyna ng aking panagimpan
Maari bang hiranging hari ng iyong Kaharian



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics