Panandaliang Hiwaga Lyrics

by Jimmy Bondoc

Pagkupas ng lumang pag-ibig
Dumadapo ang gabi’t taglamig
Sa ginaw ng gabi sino ma’ng katabi
Kung anu-ano ang nasasabi


Madaling makitai ang kislap
Ng bugtong na bituin sa ulap
Bakit pa iilag sa pagkakabihag
Ang bituin na mag-isa magdamag


‘Di ka na dapat dumating nanukso’t nanlambing
Muli pang ginising ang puso na tulog nang mahimbing


Panandaliang hiwaga na dala ng hangin
Sandalinang inakala, sandaling inangkin
Ngunit ‘di yata tama na ikaw ay kunwang mahalin
Dahil sa sandaling pagtingin


Ang isang bugso ng damdamin
Ay tulad ng ihip ng hangin
Malamig sandali at nagmamadali
Ba’t mangangako kung mababali


‘Di ka na dapat ngumiti muling kiniliti
Ang pusong hinati ng isang pag-ibig na nasawi


Panandaliang hiwaga na dala ng hangin
Sandalinang inakala, sandaling inangkin
Ngunit ‘di yata tama na ikaw ay kunwang mahalin
Dahil sa sandaling pagtingin


‘Di ka na dapat tumingin rosas na mahinhin
Pinitas sa hardin at binigay ng tadhana sa akin


Panandaliang hiwaga na dala ng hangin
Sandalinang inakala, sandaling inangkin
Ngunit ‘di yata tama na ikaw ay kunwang mahalin
Dahil sa sandaling pagtingin



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics