Agila (Haring Ibon) Lyrics

by Joey Ayala

Nais kong lumipad tulad ng agila
At magpalutang-lutang sa hangin
Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan
Ngunit ito ay panaginip lang 
At maaring di matupad


Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala
Mga puno nito’y nangingibang bayan
At pag walang puno wala na rin mapupugaran
Kapag ang agila’y walang pugad
Wala na silang dahilan limipad


O haring ibon – hari kong tunay
Nais kong tumulong 
Nang kaharian mo’y muling mabuhay


Kung nais mong makakita ng agila
Huwag kang tumingala at tumitig sa langit
‘Pagkat ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba’y nabihag na
Ang natitira’y bihira ng magpakita


Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
Sila’y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila’y tuluyang ng mawawala


O haring ibon – hari kong tunay
Nais kong tumulong 
Nang kaharian mo’y muling mabuhay



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics