Panganay Ng Umaga Lyrics

by Joey Ayala

Ang panganay ng umaga’y
Sumilip sa bintana
Ako’y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo


Mga buron at kabundukan
Nakahanay sa abot-tanaw
Bughaw na langit at kapatagan
Magkasintahang nagtatagpo


Lawa , ilog, dagat
Lamig, tamis, alat
Ulan, agos, alon
Haplos sa pisingi ng panahon


Sanlibong ulap nagliliparan
Kasabay ng agila at lawin
Bulong ng simoy awit ng hangin
Sigaw ng buhawi


Ako’y tao lamang
Taga-bigay ng pangalan
Taga-sukat, taga-bilang
Munting butil ng sanlibutan


Ang panganay ng umaga’y
Sumilip sa bintana
Ako’y dumilat at nagulat
Sa lawak ng mundo



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics