Parang Baliw Lyrics

by Jolina Magdangal

Nang ikaw ay lumisan 
Natangay mo’y katwiran 
Ng nagmamahal sa iyo 
Nang ako ay Iniwan 
Natira’y puso lamang 
Ng nagmamahal sa iyo 


Aking puso’t damdamin 
Ay di na dadalhin 
Sa dating tagpuan 
Na ating suyuan 


Para bang baliw 
Na hinahanap ka 
Para bang baliw 
Na tinatawag ka 
Sa harap ng sinungaling 
Na pang-aliw 
Na babalik ka pa giliw 
Para bang baliw 
Na umiibig pa 


Ang muli kang maging akin 
Ang tangi siyang panalangin 
Ng nagmamahal sa iyo 
Pano mo pipigilin 
Ang mapusok na damdamin 
Ng nagmamahal sa iyo 


Alaalang nahiram 
Tuwing aking binabalikan 
Puso’y lumalaban 
Sa aking katwiran



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics