Una't Nag-iisang Mahal Lyrics

by Jolina Magdangal

Una't nag-iisang mahal 
Mula noon, hanggang ngayon ikaw lamang 
Ang nais kapiling, bawat oras, bawat araw 
At di pagsasawaan kailanman 


Una't nag-iisang mahal 
Ating hahayaan ang buong mundo'y 
Humanga sa pag-ibig nating dalawa 
Mga pusong pinag-isa ng tadhana 


Walang luha, walang hapdi, walang pangangamba 
Buong buhay, buong tiwala sa isat isa 
Marahil nga'y hindi kapanipaniwala 
Tayo'y nagtagal 
Una't nag-iisang mahal 


Di ko kailangan alamin
Kung bakit tila nag-iisa ang landas natin 
Taus-pusong pasasalamat lamang sa Maykapal 
Tugon sa 'king dasal 
Una't nag-iisang mahal



Genres & Moods
Advertisement
Follow Us

© Copyright 2014-2018

Mobile Analytics